United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang pag-ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó gaua nang pagsacay sa cabayo, ó sa pagcahulog sa mataas, ó sa pagbuhat nang mabig-at, ó sapagca mayroong bato sa pantog, ó cun minsan gaua naman nang man~ga purgang matapang ó man~ga parapit caya.

Datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,i, pinalo nang malacas ó malalim ang quinahulugan, at malaqui ang tagupac, ó malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, ó sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo pagcaraca, ó siya,i, nalauon lauong tila patay, ó linabasan nang dugo sa ilong , ó sa tain~ga, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang maysaquit ay masamang quibui,t, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo, at cun mabig-at ang caniyang ulo, ó siquip ang dibdib, ó cun namamaga ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib ó sa tiyan.

Naquiquilala sa muc-ha nang maysaquit na siya,i, ga naguiguicla, at ga nalilibang ang caniyang loob; mayroong namang iba na ang canilang daying, ay mayroon silang mabig-at sa dibdib, ó anaqui siquip ang canilang puso; ang muc-ha, ang camay, at ang paa cungmiquinal cun minsan ó ga nanglulucso ang laman; mayroong iba, na hindi macapag-uica, hindi macarin~gig, at hindi macaquita.

Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.

Caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang pag-gaua nang mabig-at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang cungmacain nang man~ga mainit ó man~ga bun~ga nang cahoy na hindi magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. Cun minsan naman ay dala nang masamang pag-gamot sa ibang bagay na cólico.

Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, ó masipag na para nang dati; cun nananab-ang nang pagcain; cun masaquit-saquit ang sicmura; cun madaling mapagod, ó cun mabig-at ang caniyang ulo, ó cun mahaba ang tulog, datapoua,t, hindi mahimbing; cun siya,i, ga namamanglao, at masaquit nang caunti ang dibdib; cun inurun~gan nang pauis, ó cun madali siyang pauisan; cun hindi husay ang pagtiboc nang pulso, ó cun siya,i, guiniguinao na parati.

Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang diarrea. Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan.

Cun gayo,i, ang atay tungmitigas, ó tila may sungmasaquit doon, lalo pa cun bagong nacacain, ó cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anomang mabig-at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang canang taguiliran; nananab-ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig. Cun gayon ang icterecia , ay maliuag mauala.

Palibhasa,i, hindi maquita ang naroroon sa loob nang catauan nang tauo, caya lamang nahahalata na mayroong saquit sa baga nang tauo, sapagca cun minsan naguiguinao ang maysaquit, at parating balisa na hindi mandin macatahan; saca ang humahalili sa guinao na yao,i, ang init, na may calahoc na siya,i, pinan~gin~gilabutan nang guinao; ang pulso,i, matulin, malacas, puno, matigas, at husay, cun hindi malalaqui ang saquit; cun malaqui ang saquit, ang pulso,i, munti malambot at gulo; dumaraying ang may catauan, na masaquit saquit ang isan~g cabilang dibdib; cun minsan ang uica niya, na anaqui mayroong siyang mabigat sa ibabao nang puso; cun minsan ang boong cataua,i, masaquit, at lalo pa ang bay-auang; hindi lumagay ang maysaquit cundi tihaya at bihirangbihira doon sa nagcacasaquit nang gayong saquit, ang nacacatahan nang pataguilid; nag-uubo ang may catauan cun minsan, na ualang inilulura; cun minsan dungmarahac na may dugong casama; mabig-at ang caniyang ulo; nasisira cun minsan ang bait; ang muc-ha,i, namumula at cun minsan hindi, bagcus nag-iiba sa dati, na cun gayo,i, mapan~ganib ang buhay nang maysaquit; ang man~ga labi, ang dila, ang n~galan~gala, pati nang balat ay tuyo; mainit ang hinin~ga; ang inaiihi niya ay caunti at mapula cun bago, cun malauo,i, marami at hindi lubhang mapula, at mayroong latac; nauuhao ang maysaquit at cun minsan ibig niyang sumuca; datapoua,t, hindi sucat big-yan nang pasuca, at mamamatay cun pasucahin.

Pag ang may catauan dinaraanan nang saquit na hica, ay ilagay siya sa husay capítulo 4, at houag pacanin nang carne ó nang anomang bagay na mabig-at sa sicmura; cun totoong hirap ang lagay nang maysaquit, ay houag pacanin nang anoman. Magaling ipainom sa caniya ang bilin sa número 1 ó 2.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap