United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, ó sa mahirap umihi. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan.

Ang isa pa roon ay macati yaong casangcapang yaon, na dahil doo,i, parating quinacamot, at pinipisil nang may catauan; ang pos-on ay mabigat, at cun malaqui ang batong nadoroon sa loob, ay bahag-ya na macaihi ang maysaquit, at cun umihi ay patac patac.

Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.

Ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nan~gin~ginig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang man~ga tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,i, tuyong tuyo.

Bago gumaling-galing ang maysaquit, dinaraanan siya nang hirap na malaqui, na nacatatacot sa nag-aalaga sa caniya. Caya gayón ay ang pinaca camandag nang saquit gungmagala sa catauan; datapoua,t, cun guinagamot nang husay ang maysaquit, hindi maano; at cun siya,i, dumahac, umihi,t, pauisan, mauauala yaong hirap na yaon.

Cun ualang bato sa pantog cundi binabalisaosao lamang, ó mahirap umihi ang maysaquit, ay gagauin lamang ang lahat na bilin sa párrafo 327. Ang isa pang gamot na totoong galing ay gayon. Cun ualang sal amoniaco ay bayaan. Pagca laga nang malauon-lauon at malamig na ay sasalain, at ang maysaquit ay binibig-yang macaapat maghapon nang isang taza.

Ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i, masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati.

Cun baga nacacacaya ang maysaquit, magaling ang siya,i, buman~gon sa hihigang maminsanminsan, sapagca ito,i, nacacabauas nang saquit nang ulo, at ang lagnat ay ungmoonti, at ang isa pa roo,i, madaling umihi, pag nagban~gon ang tauo. Arao-arao papalitan ang damit nang hihigan, at ang sa maysaquit, datapoua,i, houag ihahalili roon ang hindi toyong-toyo.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap