United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang lagnat na sucab, caya ganoon ang pan~galan, ay sapagca malaqui ang pan~ganib nang maysaquit, at saca cun tingnan, ay anaqui munti ang caniyang saquit. Caya naquiquilala itong lagnat na masama, sapagca ang maysaquit ay pagcaraca,i, mahina at malata na, gaua nang malaquing pagcabuloc nang man~ga bagay na iquinahuhusay nang cagalin~gan nang catauan nang tauo.

Capilitan namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa cun ang may cataua,i, malacas at mataba, at datihang hindi siya nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit. Datapoua ang pagsasangra, ay hindi sucat gauin sa man~ga babaying mahina,t, masasactin.

Ang isa pa roo,i, ang caramihang gamot na ipinagbibilin niya sa man~ga mangagamot, ay ualang liuag hanapin. Caya n~ga yata, nang dumating sa aquing camay itong caguilaguilalas na libro,i, pagcaraca aquing isinalin sa uicang tagalog, aua co sa man~ga mahihirap na maysaquit na tagalog. Houag isipin ninyo, na yaong man~ga gamot na nabibilin dito,i, ualang cabagsican, sapagca ualang liuag gauin.

Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.

Caya sasangrahan ang maysaquit pagcaraca; at cun hindi siya gungmagaling, ó gumaling ma,i, ungmooli rin ang saquit na malaqui, sasangrahan pa mandin; datapoua cun hindi malubha ang tauo, ó cun hindi totoong lacas ang pagsintac, at ang maysaquit nacacalura, ay hindi cailan~gan sangrahang uli, cundi parapitan lamang sa man~ga binti ó doon sa lugar na masaquit.

Yao,i, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang man~ga dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo.

Ang guinagaua nang iba hindi ang gatas cundi ang suero noon, siya ang iniinom. Caya cun baga nacacayanan ang suero nang sicmura nang maysaquit, ay mabuti inumin niya yaon; houag lamang uminom siya pagcaraca nang marami hangang hindi pa bihasa. Datapoua gamitin man nang maysaquit ang gatas, gamitin man ang suero hindi macagagaling sa caniya cundi ituloy gauin nang ilang bouan calauon.

Ang man~ga paa,t, camay ay lungmalamig; nauauala ang pulso, pati nang saquit nang tiyan; sampon nang pagsuca, at totoong daling namamatay ang maysaquit. Sapagca malaqui ang pan~ganib nang buhay nang tauo sa saquit na ito, ay cailan~gang gamutin pagcaraca, capag naquilalang magaling ang saquit; at cun hindi gamuting agad ay mamamatay na ualang sala.

Marami ang namamatay dahilan dito. Pag sungmasamá ang damdam at nahahalata na ang dahilan nang saquit ay ang pagtahan sa malamig, ang maysaquit cucunan nang dugo pagcaraca, babañosan nang tubig na malahinin~ga, at paiinomin nang bilin sa número 1, na malacoco cun inumin. Masamang painumin nang gamot na papauis, at lalaqui ang saquit.

Susumpiting macadalaua man lamang arao-arao nang bilin sa número 5. Pag nacaraan ang guinao, sasangrahan pagcaraca, na ang dugong cucunin, ay timbang labing dalauang piso, ó labing apat cun ang maysaquit ay bata pa at malacas; itong pagcuha nang dugo siya ang bagay na gamot dito.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap