United States or Trinidad and Tobago ? Vote for the TOP Country of the Week !


Bagaybagay ang gamot na ang uica nang man~ga tauo,i, maigui rito; datapoua ang gamot na totoong-totoo doo,i, ang mercurio , ó azogue . Caya ang pagsasangra sa maysaquit, ang ventosa, ang pagsipsip nang sugat, at ang sun~gay nang usa na sinunog, na inilalagay roon, ay hindi naniniya cun minsan; at mayroon ding namamatay na maysaquit na guinamot noon.

Ang pagsasangra doon sa camay cun minsa,i, maigui cun hindi yayat at mahina ang babayi, ó cun hindi siya pinanaogan nang maraming dugo Bucod dito ang isa pang totoong cailan~gang atuhing gauin ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco nang ilang oras calauon, ayon sa turo sa párrafo 457.

Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, ó linugao lamang.

Cun minsan yaong saquit ay minamana; cun minsan dala nang pag-inom nang alac na matapang, ó dala nang pagpupurga ó pagsasangra nang totoong limit, ó nang pag-inom nang tubig na malamig pag ang tauo,i, nainitan, ó galing sa malaquing gaua; cun minsan dala nang pagtahan sa mababang lugar ó nang pagcain nang man~ga ualang sustancia.

Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang marami nang turo sa número 12. Parapitan sa man~ga binti nang bilin sa número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailan~gan, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahin~ga, at cun ang pulso,i, malacas at puno.

Dito rin nauucol ang saquit na marahil dumaan sa man~ga babayi, na pinan~gan~ganlan namang suba na sinaysay co na sa párrafo 417. Ang nadedesmayo dahil sa mayroong saquit sa caniyang litid, ay cailan~gang lumacad na parati ó magpasial, lalo pa cun umaga. Ang purga, ang pagsasangra, ang mahabang tulog, at ang di pagpanaog sa bahay ay pauang masama sa caniya. Nota.

Capilitan namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa cun ang may cataua,i, malacas at mataba, at datihang hindi siya nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit. Datapoua ang pagsasangra, ay hindi sucat gauin sa man~ga babaying mahina,t, masasactin.

Ang man~ga purgang sinabi co n~gayon ay gagauin lamang pagca nabibilin dito sa libro. Man~ga, ilang tagobiling patungcol sa man~ga gamot na ipinagbibilin dito. Tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa man~ga maysaquit, ay babauasan nang caunti ang man~ga nauutos doon sa libro, dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog.

Ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit, lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. Saca susumpitin nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang tubig na malacuco, ó nang tubig na pinaglagaan nang culutan, ó nang tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas.

Ang cainitan nang dugo na yao,i, isa pang dahilan na sucat ipagsangra sa maysaquit, ay sungmasama sa man~ga saquit na sarisari, na paraparang aquing nasaysay na, sa canicaniyang capítulo, na doon babasahin ang gagauin. Ang pagsasangra n~ga sa tauo sa gayong man~ga lagay ay masama, cun hindi batol nang maalam na médico, ó cun ualang sadyang bilin dito sa librong ito.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap