United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang timbang apat na pisong laman n~g tinapay, at ang dalauang dacot nang bulaclac nang alagao sampon nang isang dacot na manzanilla, ay lulutuin hangang lumapot sa tubig, na ang calahati ay suca. Nota Na-aari namang tapalan ang casangcapang masaquit nang man~ga basahang babad doon sa tubig na pinaglagaan noong man~ga gamot na yaon. Nota.

Cun baga ang saquit hindi pa nauauala, bibig-yan ang maysaquit nang píldoras número 18; at paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao.

Cun baga caya sinusubaan ang tauo,i, sapagca siya,i, pinurga, ó pinasuca nang totoong tapang na pamurga, ó pasuca, ay paiinumin siya nang lan~gis sa castila, ó big-yan nang azúcar; maigui rin, ang gatas ó ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon-oc nang lason, capítulo 71.

Cun totoong cailan~gan ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang man~ga bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, ó linugao lamang.

Sa dacong icadalauang puong taon nang buhay n~g tauo, mayroon namang sungmisibol na apat na bag-ang din, na ang pan~galan nang man~ga tauo doo,i, ang bag-ang nang bait . Ang batang nagcacasaquit, cun sinisibulan nang n~gipin, ay cailan~gang sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang, ó purgahin caya n~g mahinang purga, parang magnesia ó ruibarbo, ó hojas de sen.

Datapoua cun ang saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang sa número 65.

Ang cacanin lamang ay ang tinapay, ó canin, ang man~ga gulay, ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy at tubig; ang cacanin cun gab-i ay caonti, at ang caniyang iinumin, ay ang tubig na pinaglagaan nang palay ó cebada, at cun aayao noo,i, ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na ang sa icapat na bahagui ay gatas.

Ang sibol ay minsan lamang gamutin arao-arao, at touing gagamutin ay papaltan ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang hagonoy, at macabuhay: ang isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba.

Paiinumin nang maraming tubig na malacuco, ó nang tubig na malacuco rin na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Doon sa tiyan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig. Houag painumin nang alac ó triaca , ó nang ibang man~ga maiinit.

Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa número 35, na cailan~gang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang manzanilla.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap