Si Kápitang Memò ay di nararápat bumangon ng maága; hindi ito nababágay sa kanya. Siya'y isang máginoo, isang kápitan, isang presidente na sumasahod buwán-buwán ng walongpúng pisong matunóg. Bumángong maága ay nababágay lámang sa mga mahihirap, sa mga magsasaká, sa kanyang mga kasamá, alila at mga hindi máginoong gaya niya.

Para kay Adolfo, na isang taong "sakim sa yaman at kapangyarihan", ang pag-aasawa kay Laura ay isa lamang kaparaanan upang mapaluklok sa "Trono". "Maging Hari" ang tangi at totohanan niyang layon at pangarap! Kaya, ang sabing: "ang Conde Adolfo,i, nagpapacamatay dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal" ay tamangtama.

Salamat na lamang at di maninin~gil, ang puhunan nila'y di ibig bawiin; sakali ma't sila ay alalahanin n~g kahit bahagya'y malaki n~g turing. Pagkagising mo na ay agad n~g hagkan ang pisn~gi n~g ina't ang sa amang kamay, kasabay n~g bating malugod naInay!" sa ama'y gayon din, ang bati ayTatay!"

Ang m~ga anák at inapó n~g m~ga aliping itó, magíng namamahay at magíng sagigilir ay nagmamana n~g kalagayan n~g magulang, na siyang dating kaugalian sa halos lahat n~g lupaing malayo. At ang pagkaalipin nitóng m~ga aliping namamahay at sagígilir ay sari-sari, dahil sa mayroong buô ang pagkaalipin, at mayroong kákalahati at mayroon namang ikapat na bahagi lamang.

Nagkaroon din ang "Katipunan" n~g sariling palimbagan at doo'y inilimbag ang dalawang bilang lamang n~g pahayagang tagalog na pinamagatang "Kalayaan," na inilathala n~g ika 1 n~g Enero n~g 1896. Isang 1000 ang sipi n~g unang bilang at 2000 ang ikalawá.

Di sucat masabi ang pagcacalin~ga nang baua,t, may-ari na nag-aalaga,t, baca cun malanta ang pananariua tambing na malagas, lumagpac sa lupa. Sa arao at gabi pauang caaliuan sa iyo ay halos ang pumapatnubay, ang dusang mapait bahag-ya na lamang ihandog ang caniyang lilong caban~gisan.

M~ga pulitiko ay gayon din naman ay siya na lamang laman n~g lansan~gan; walâng pagupitan, ligpit na karihan bilyar at iba pang di linalagîan. Sa pagmamagar

Iniwagayway ang nacamtan sa pagtitiyaga sa Capuluang ito, n~guni agad hinarang n~g m~ga malicmatang mapagpahirap, sapagca't hindi maglalaon cung pababayaang magpapatuloy, at lilitaw ang itinatago-tago at kinikipkip na calayaan n~g Filipinas, gayon man, hindi tumudla n~g macamandag, at sucat n~g tinugon ang pan~gun~gusap nila n~g papaganito: «Na ang lahat n~g m~ga lahi n~g tao ay nagcacaiba iba lamang sa canilang m~ga anyo, n~guni alinsunod sa Psicologia, ang maputi, ang abo-abo, ang madilaw, ang cayumangui at ang maitim ay magcacaisa n~g caramdaman, nagcacawan~gis ang m~ga umu-udyoc na budhi at hilig na magpapatiboc n~g puso, ang pinagcacaibhan lamang ay ang paraan n~g pagsasaysay ó pag-gawa

Cahi,t, uicain mo na ang calulua,i, di sa damit lamang napagkikilala, yaong calinisan, at si Margarita ito rin marahil ang sinabi niya. Ang capan~gahasang yaon ang nagbulid sa capahamacang di sucat maisip hindi macasapat sa pagmamarikit yaong ari nilang caunting nalabis.

Panong ha han~garin sa iyo'y naguing tinic pagcat saguisag cang ualang lamat dun~gis, at malinis ca ring itampoc sa nais caya ang pitagan sa budhi mo'y labis; Dusa mo'y dusa cong sa dusa co'y sacdal palibhasa icao ang tali n~g buhay, toua mo ay toua co ¿panong di inlagan ang icalumbay mo cahit sagui lamang?