Naipahayag mo na ang iyong loobloob.... Maupo ka sanang muli't may sasabihin pa ako.... Dili ang hindi nanumbalik na lumikmo ang dalaga. O eh ¿ano n~gayon? ang tanong na tila nakapangyayari. Elsa, dahil sa kahalagahan n~g bagay na ipinaghihintay mo sa akin n~g pasya, ay ibig ko sanang ipamanhik sa iyong pagusapan natin ito n~g lalong mahinahon.... ¡Pshe! Siya n~ga, Elsa.

Oh! ang ganyang pangungusap ay maanong hwag mo nang masasambit! Sa ngayon man ay kinakaulayaw mo ang hinagpis ay hwag mo nang sambitin sana ang "dahil sa sumpa mong nilimot" kung kaya ka luksa ang puso . Alalahanin mo lamang na ako'y isang bulaklak na nasa kasariwaan nguni't mangungulutding sa isang matinik na tangkay....

Laging tapat Eduardo, nguni nga lamang ... Leoning, ano ang kahulugan ng lahat mong pangungusap na iyan? Datapwa't ang luha ni Leoning ay biglang natak sa kanyang mukhang tila garing. At sa gayon ay waring napaawa si Eduardo sa nakita niyang anyo ni Leoning. Kaya pamuling nangusap si Eduardo. Leoning, bakit ano ang nangyari sa pagtingin mo sa akin sa ngayon; lason na ba ako sa puso mo.

Sinagot ako ng Diyos: Ikaw ay yumaon at dalhin mo sa akin ang kaluluwa ng inang iyan, at mapagkikilala mo ang tatlong salita ng Diyos; iyong malalaman ang sumasa mga tao, ang hindi ipinabatid sa tao at ang bumubuhay sa tao . Pagkakilala mo ng tatlong salitang ito ay babalik ka sa langit. Nagbalik ako sa lupa at dinala ko ang kaluluwa ng abang ina.

Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua tinatatap ninyo calagayang abá, maraming salamat Dios ang mag pala pagcalooban din tayo nang biyaya. Sa matandang sagót dito sa cay Juan pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang, icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban isang batóng munting perlas ang cabagay.

Caya ang biling co,i, ang ilaban mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios, pagdating nang oras.

Ilinapat nan~ga doon sa haligi saka pinakuan na pinakabuti wika sa alila ikaw ay bumili nang dalawang kabang lalong malalaki. Buong isang onza yaong ibinigay wika'y piliin mo ang lalong matibay at kung magkano ang kahalagahan bayaran mo't ikaw ay madali lamang.

Tugon n~g pulubi'y «Inyo pong kilanlin at ito ay isang kamaganak mo rin ...» yaong bagong kasal, di na nakabata't inagaw nang tambing; «¡Ito ang anak ko, at tunay na supling!...» Tuloy hinimatay; luhang mapapait ang sa kanyang pisn~gi, pagdaka'y dumilig; lahat ay nagulo't nang mahimasmasan, mata'y itinirik: «¡Patawad Osong ko, sa nagawang lihis!...

Maasahan mo ang aking pag-ibig, ang buong buhay ko hanggang mayrong lan~git, hanggang mayrong araw, tala, gubat, batis ang iyong pan~gala'y laging na sa isip. Huwag kang man~ganib! Di ko malilimot ang ganda mong iyang sipi sa kampupot, ang ban~go at tamis n~g isang pag-irog ay na sa sa iyo't hindi mauubos.

Sa ganang aki'y iisa ang katuturan niyan, kailan pa ma't tayo rin ang magkapiling, ang magkapareha, ang magkaakbay ... At kung ako'y pamimiliin mo kung alin sa pagsasayaw at sa pamamangka ang aking ibig, ay masasabi ko sa iyo n~g boong pagtatapat na ibig ko na ang ganitong pagsasarili natin sa ibabaw n~g payapang tubig kaysa magtun~go pa sa maalin~gasn~gas na sayawan.