United States or Serbia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si Tirso ay malimit na tinitipan niya sa gayong m~ga paliligo sa magandang dagat, at sa kanilang pagtatagpo roo'y madalas silang nagtatamasa n~g kaligayahan sa pamamangka, sa pagtatampisaw sa tubig at pagtatapak pagkatapos sa mabanlik na baybaying hinahagkang lagi n~g mayamang simoy.

Malayolayo pa rin po, itinugon n~g matandang nakapatag n~g upo sa isang dulo n~g sasakyan at walang tahan n~g kasasagwan. At si Tirso ay may sinasabi na naman sa lalo pang paanas na salita: ¿Ikinaiinip mo na ba, Elsa, itong pamamangka natin? At ang mestisa'y pumakli: Baka ako'y pinakahihintay na n~g aking kapatid....

Yaong winika mong kahi't abutin tayo n~g umaga sa pakikipagsayaw sa Pandakan, ay natatalaga ka ring makikipagtagalan at di magsasawa. ¿Alin pang sayawan ang tinukoy mong kahi't abutin n~g umaga, kung ganyang nasa pamamangka palang ganito ang iyong loob?

Wala nang parusang gaya n~g tuman~gis Sa harap n~g isang hindi umiibig, Wala nang parusang gaya n~g tumitig Sa sun~git n~g dilím n~g gabing tahimik. Sukat na sa akin ang ako'y malagak Sa pamamangka ko sa ilog n~g hirap, Sukat nang masabing lagi kang pan~garap. At matitiis na ang pasang bagabag.

Sinasabi ko na n~ga ba't talagang nagkakalayo tayong lagi n~g pagaakala! pabuntonghinin~ga pang saad n~g makata. Saka idinugtong: Samantalang ang ibig mo ay agad tayong makaahon sa pampang, di ko na lamang naman anhi'y huwag nang matapos ang pamamangka nating ito.... Tirso, di ko pala dapat paniwalaan ang sinabi mo kanina nang tayo'y nasa bahay pa.... ¿Alin iyon?

Nasabi ko iyon sa kahulugang saan man tayo makarating at saan man tayo maparoon ay natatalaga akong umagahin sa iyong piling ... At sapagka't dito man sa bangka ay nasa piling mo rin ako, kaya baga aking pinanghihinayan~gan ang madaling ikatatapos n~g ating pamamangkang ito. N~guni't sayawan at hindi pamamangka ang ating ipinarito....