Ang Ama. Dumating n~ga sila sa Terranova, sa pagca,t, capanahunan na totoong nanghuhuli nang bacalao, ay nacatagpò sila nang man~ga sasac-yan nang man~ga francés na linulanan nila. Di sucat maipahayag nang bibig ang canilang pasasalamat sa magandang loob nang Capitan. Bahaguia na lamang cacalilipat sila sa sasac-yan nang man~ga taga roon sa canila, ay sila,y, nagbalic at napatun~go sa Guinea, sinang-ayunan naman sila nang han~gin. Tungmatacbo ang sasac-yan sa tubig, na para nang ibong lungmilipad sa impapauid: sa sandaling panahon ay naraanan nila ang maraming leguas, at ualang totoong iquinatotou

Matapus ang kasindáksindák na labanáng nangyari sa m~ga tagalog at americano sa Kin~gwá, lalawigan n~g Bulakán, n~g iká 23 n~g Abril n~g 1899, na siyáng ikinápatáy kay Coronel Stotsenburg, sa Capitán at ibá pang m~ga kawal americano, kamíng m~ga tagalog naman ay nagsiurong sa Sibul, at sa isáng bahay-gamutan n~g aming m~ga kawal ay nátagpuán ko ang isáng matapang na pinunòng tagalog na bahagyâ náng makagaláw at makapagsalitâ dahil sa marami niyáng súgat. Malakí ang aw

At gayon din naman ang magkasintaas, sa dalawang tabi sila nararapat, ang isang mababa ó kaya matankad ay siyang igitna, ang gayon ay sukat. Kailan~gan n~gang lubos na iyong isabay sa m~ga kasama ang iyong paghakbang kung kayo'y titigil, ang iyong katawan at ulo'y itayó n~g anyong mainam.

¡Oh! anong lungkot ko noon! ... Kung nakilala ko ang dalahirang naghatid sa amin ng balitang iyon ay ... aywan: marahil ay inaway ko; oo, pagka't ng mga araw na iyon ay naghahari pa sa akin ang kainitan ng ulo. Ang paghihigpit sa akin ng tatay ko'y hindi naman nag-tagal; ilang linggo lamang at ako'y pinahintulutan nang makapagpasyal na gaya ng dati.

Tumupad si Fr. José Rodriguez n~g boong casipagan sa canyang mahigpit na catungculan, at sinabi naming mahigpit, sa pagca't walâ n~g mahirap gawing gaya n~g piliting hadlan~gan ang mahinusay na lacad n~g pagsulong n~g m~ga carunun~gan at n~g pagcakilala n~g tawo sa canyang sariling camahalan; tulad naman sa halíng na mag-acalang masasalaan niya ang ilog Pasig, at n~g ang tubig na umaagos doo'y howag macarating sa dagat.

«Madla na sa aquin ang nagsipagsaysay «nang tungcol sa sinta na gaya mo naman; «n~guni,t, tiniyac cong anomang caratnan «dili matatangap niring calooban. «Pagca,t, malaon nang tinica nang diua «na aquing lisanin ang sa mundong daya, «at sa isang silid na lubhang payapa,i, «maglingcod sa Hari nang lan~git at lupa.

N~gunit cung tulot man sa caniya ang maquiat sa bintana lamang u upo't di lampas, ang isa sa paa sa hagdan din tapac si Julieta'y naman patayo't caharap.

Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit nang sundang ang man~ga cagalanggalang na n~galan nang caniyang ama at ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang n~galan nang caniyang man~ga magulang, na ang nas

Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong yaon ang man~ga lalaqui ay nabubucod sa man~ga babayi sa loob nang templo, at sa pag lacad naman, at ang man~ga bat

Ipinagtatapat ko rin naman, na, sa pagsulat ko n~g kasaysayang ito ay hindi ko nasang sugatan ang damdamin n~g sino at alin mang tao ó Kapisanang Manggagawa; at ang nagudyók sa akin sa ganitó ay ang sa mula't mula pa'y magandang nais na makita sa lalong madali ang pagliwayway n~g ganap na Katubusan n~g m~ga mangagawang pilipino, maging anoman ang kahalaga n~g Katubusang ito.