United States or Sierra Leone ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda. Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.

Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin. May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan. Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.

Sa murang balat nang isang cahoy na nalalapit sa caniya, ay iguinuhit nang sundang ang man~ga cagalanggalang na n~galan nang caniyang ama at ina, tumutulô ang luhang caniyang hinahagcan, at ganito rin naman ang guinaua sa ibang punò nang cahoy na caniyang sinusulatan nang n~galan nang caniyang man~ga magulang, na ang nas

Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali. Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay. Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.

Sinasabi sa akin sa canyáng hulíng sulat, na may isáng taón na n~gayón, na huwág daw acóng maliligalig cung niya acó sinusulatan, sa pagcá't marahil ay totoong marami siyang pinakikialamán; ipinagtatagubilin sa aking magpatuloy acó n~g pag-aaral ... at ¡benebendicìonan acó!

Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan. Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello. Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.