"Ang mga táong iyán ay nanúnulúyan laang dito. Walâ siláng báyan. Ang báyan nila'y binilí ng aking báyan.... Silá ang mga talúnang gúgu, ang mga di dápat lumay

"Diyós ko!" anya "Ano ang iyong gagawín, Gerardo? Ako'y nahihintakútan!" "Bakit, Elena? Hindî ba matwid ang aking úusigin?" "Ipagpalagáy ko nang matwíd, subali'y bákit ka gagámit ng dahás?" "Hindî akó gagámit kundî kailangan; at ang lahát, kapag kailángan ay dapat pangáhasán!" "Dápat pangahasán hanggáng di nalalábag sa mga útos!" "Oo, kung ang mga útos na iya'y nasasálig na lahát sa katwiran!...

Ang toua nang Reyna ay di ano lamang at ang hiling niya'y cusang pinayagan, n~guni't nang dumating ang icatlong araw bata'y nagcasakit at nakitlang búhay. Caya ang uinica nang Haring si Clovis sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig, na huag binyagan at sa aking Dioses ay iyong ialay at doon manalig.

Nagtindig din ang maestro sa escuela, n~guni't umíiling, tandâ n~g pagcuculang tiwála, at sumagót: Makikita ninyo't matutulad sa aking m~ga binálac ang láyong caniláng sinábi sa akin, at cung hindî, ¡tingnan natin! TALABABA: Tinatawag na "m~ga elemento" n~g una ang lúp

¡Si Teang na naman! ¿At ano? Kung siya lamang ang narito't kakawit-bisig mo, kaipala ay wala kayong sukat ipanaghili sa dalawang iyan.... Kung siya ang aking iniibig n~g boong pagkatao, oo; datapwa't ang totoo'y ... nalalaman mo nang hindi siya. ¿At sino? ¿Kailan~gan pa bang sabihin ko? ¡Sa di ko nakikilala!

¡M~ga guinoo! ang isinalabat ni Crisóstomo n~g canyang makitang namumutla na ang alférez; tungcol n~ga sa bagay na itó'y ibig cong maalaman cung anó ang inyóng pasiyá sa isang aking panucál

Capuwa cayó sumasacatuwiran; sumasacatuwiran ang cura, datapuwa't ¡dapat ding magcaroon n~g catuwiran ang Dios! Ayawan co, acó'y isang tan~ga lamang ... Sasabihin co sa aking anac na lalaking huwag n~g mag-aral, ang siya cong gagawin! ¡Namamatay daw sa bibitayan ang m~ga marurunong! ¡María Santisima, ibig pa naman pa sa Europa n~g aking anac na lalaki! ¿Anó ang inaacala ninyóng gawin?

Cung pakikinggan n~g Dios ang aking m~ga pagsamò at magaganap ang aking m~ga pag-asa, sasabihin co cay Andoy: "Anác, pawiin mo sa amin ang lahát n~g casalanan at ipadalá mo camí sa lan~git". Hindî na tayo man~gan~gailan~gang magdasál, mag ayuno ó bumilí pa n~g m~ga bula. Maaarì n~g gumawâ n~g m~ga casalanan ang may isáng anác na santo papa!

At ang naglalaro sa kanyáng isipa'y ang dilág ni Tuníng na gayón na lamang, minsáng mapadagok; minsáng mapan~giti at ipinagsaysay: «¡Oh, anóng gandá , aking paraluman!...» Subali't nabigláng nabakás ang lungkót sa masayáng mukháng nagulap n~g lubós: «¡Ay, palad na sawi!... ¡Oh, buhay n~g dukha!...» sunód na himutók, «sa dusa ni Tuníng, ikáw ang managot ...

Upang pumanatag ang aking pagluha'y aking kailan~gan ang lin~gap mo't awa, awang magbibigay n~g yutang biyaya, awang sa lungkot ko'y tan~ging papayapa. Nasabi ko na n~gang nagsisi ang buhay sa nais na kita'y mapagbigyan lamang, kung susunurin ko itong kalagaya'y di ka malilimot hanggang kamatayan. ¿Paano ang aking gagawing paglimot sa iyong ang ban~go'y higit sa kampupot?