"At anóng Justicia iyán na pumapatnúbay dito sa bawa't hakbáng ng pamunúang amerikáno?..... Justicia ba ang sakúpin ang áyaw pasakóp? ¿pagharìan ang ayaw paharì kaníno pa man, tangi na lang sa sariling loob?... Justicia ba ang di pagtupád ng pamahaláan sa kanyang pangakò sa pinamumunúan? Di ba't nangakò ang pamahaláang iyán na palalay

Sila ay magkakangitian, magkakatitigan ng mga mata, magkakabatiran ng mga lihim ng puso! At, makalipas ang ilang sandaling makapagpaalam ang panauhin ay napagisa na lamang silang dalawa. Nang mga sandaling yaong kanilang sinasarili na ang pagsasalitaan ay waring ang naguumapaw sa kanilang puso ay ang pagkalugod ng isa't isa.

Ito'y sigáng nagdiriñgas ñguni't hindi nakatutupok. Ito'y súnog na naglalagablab; ñguni't waláng mga alipatong sukat pañganibang makapagpapalakí ng apoy. Wala: ang layon ng sumulat ay bumuu, hindi gumiba.

Wala, wala kundi isang lalaking pinagsukaban ng asawa, isang lalaking naulol ng asawa, pinagtaksilan ng asawa.... Oh! diyata at ganito ang kanyang maririnig sa harap ng matataas na lipunan at sa harap ng kapisanan? Kay samasama! Anong samang pakinggan! Nagtaksil, nagsukab ang asawa. Kay samasama nga naman!

Ang pagpasok po sa Cine, mientras maaga, ay mabute, dahil na, baka hindi na tuloy ninyo matapos. Tio Bes: Yaping mabute. Tara na man~gan.... Pagaañgat ng Tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang lansañgan sa Maynila, na mangyayaring maging ang daang Azcarraga o alin man ibang daan.

Gaya ng kung minsan ay ginagawa sa "kailan". Pinipilit na palabasing dalawang pantig lamang ito sa pagkakasulat, sinisira ang ugat, ginagawang "kaylan" na tila baga kung isulat at siraing ganito ay tama na at hindi na labis.

Gagaling ka hindi man sa pagpaligo sa dagat. Pagkatapos ko ng "segunda enseñanza" ay magaaral ako ng "medicina" at ako ang magpapagaling sa iyo. At samantala'y dumating tayo sa harap ng ating bahay. Ikaw ay nagtuloy sa inyo at ako nama'y sa amin. Ikaw ay sinalubong ng galit ng iyong tatay at ako nama'y ng maligayang ngiti ng minamahal kong ina. Buwan ng Mayo.

Nguni't hindi ku pa batid, at hindi ku pa nauunawa ang bumubuhay sa mga tao . Nabuhay ako sa paghihintay ng pahayag ng Maykapal, ng huling salita ng Diyos. Sa ikaanim na taon ay naparito ang babae na may kasamang dalawang batang kambal, aking nangakilala at napuna kong sila'y nabuhay. Ng magkagayo'y aking naalamang lahat at inisip ko.

Nguni't sa akala mo naman kaya ay di tayo kaabaan na makayapak sa kanilang tahanan? Nasa iyo iyan kaibigan. Kabatian ko ang binibini, isa pa ay tunay ko siyang kababayan. Marahil ay hindi naman tayo mahihiya. Kung gayon ay may pagasa tayong makapanhik; nguni't aywan ko lamang ... hindi ko pa rin lubhang natataho ang kaugalian ng matanda.

"Mga kasamahan," anyá "itinatanóng ni G. Kabúyas kun anó raw ang mahihitâ ng kabat