United States or Lithuania ? Vote for the TOP Country of the Week !
Isang batisang pinagmumulan ng mga pangarap at kaaliwan para kay Leoning ang kanyang puso sa dahilang siya'y umiibig. Datapwa't sa pagkalugod ni Leoning ay parang nakatatanaw siya sa kabilang dako ng manipis na ulap: nalulugod siya sa harap ni Eduardo, nguni't iilang sandali na lamang ang itatagal ng kanilang paguulayaw at pagpapalitan ng ngiti at titig.
Sila ay magkakangitian, magkakatitigan ng mga mata, magkakabatiran ng mga lihim ng puso! At, makalipas ang ilang sandaling makapagpaalam ang panauhin ay napagisa na lamang silang dalawa. Nang mga sandaling yaong kanilang sinasarili na ang pagsasalitaan ay waring ang naguumapaw sa kanilang puso ay ang pagkalugod ng isa't isa.
Mabuti naman at nalaman mo ito. Pumarito ka ngang lagi. Gayon na lamang ang pagkalugod niya sa anyayang yaon ng matanda; kay gandang loob! Leoning, kausapin mo nga sila, ipagsama mo sa loob, hala pasok kayo at ako lamang ay magaayosayos dito sa labas ang dugtong pa ni aling Rita. At nagsipasok sila. Anong tuwa ng binata! Wala kundi pawang kasiyahan sa puso ang naghahari.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap