Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro. Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng: N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc. At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip.

"Kung anó-anó ang pinagsasabi ng Gerardong itó!" ang tugón ng dalága pagkatápos na máhagisan ang kaúsap ng isang napakalagkit na títig. "Tingnán ko nga ang iyóng kamay." At umakmang aabutin ang sugatáng kamay ni Gerardo na dalidali nitóng inaurong. "Huwag na, Elíng; maráming salamat." "O tingnán mo siyá!" "Hindî nábabagay. Bayáan mo ná't..."

Malakíng totóo po ang áking pagca ibig, datapwa't dápat pong sumaaking bahay acó't bacá sacáling may dumating na m~ga "visita," ang isinagót n~g binatang nagcacang-uútal, at iniiwasan ang títig ni María Clara.

Ang pagpapatibay na itó n~g matandáng teniente at ang anyô n~g canyáng tínig ay nagbigáy n~g malakíng pangguiguilalás sa m~ga nakíkinig, na waláng nasabing anó man. Tumin~gín sa ibáng daco si parì Salví, marahil n~g huwag niyáng makita ang titig na mapangláw n~g matandâ. Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang m~ga bulaclác at hindi nacakilos.

Naala-ala co at nagunamgunam nangyari sa atin niyong isang arao, cami,i, nag daraan na mag caibigan sa tapat n~g torre icao,i, nanunun~gao. Natin~gala quita,t, nagpanamang titig sa iyo ay aco,i, comindat n~gomibit, humalachac icao tumauang malabis siyang naguing dahil mulang pagbubuntis.

Ang Gobierno lámang ang macapagbibigay n~g aking cahin~gian, pagcatapos n~g mahabang panahóng laguing pagsusumakit at n~g tapat na m~ga pagbabago n~g m~ga cautusán. Tinitigang sandalî n~g Capitán General, titig na tinumbasán ni Ibarra n~g gayón din catagal na titig. ¡Cayó ang unang lalaking nacausap co sa lupaing itó! ang bigláng sinabi at iniabot sa canyá ang camáy.

Ang tuwa nang Hari naman ay sabihin doon sa alay na batong nagniningning kinuha at saka binigyan noon din niyong kayamanang makakayang dalhin. Sa labis na pagkamangha at ligaya na di pagsawaan nang titig nang mata kaya't ang ginawa ay ipinadala doon sa kaniyang anak na Princesa.

Binalot ni Társilo ang háyop n~g malungcot at nacalalaguim na titig: tila mandin hindi niya nakikita ang manóc cung di ibang bagay sa hinaharap na panahón. Hinagpós ang noo, at: ¿Handa na ba icáw? ang tanóng sa capatid na malagunlong ang tinig. ¿Acó? ¡mula pa n~g una; hindi kinacailan~gang sila'y akin pang makita! Hindi at dahil sa ... ating cahabaghabag na capatid na babae....

Ipagpatawad ninyo ang sandaling iyon ang sabi ng binibini sa lalaki. Hinagisan na lamang ni Eduardo ng tingin ang kinausap. Ano nga naman ang kahulugan ng mga yaon? Sino ang taong ito? Ito kaya'y kaagaw niya kay Leoning? Nang magkatama ng titig ang ating binata at ang dinatnang panauhin nina Leoning ay nagsalita ang binibini ng ganito:

Ang Vírgen at Martir at hirang na Santa na alilang tan~gi na si Potamiana, puspos cahinhina,t, dalagang maganda na nacalulugod sa titig n~g matá. Na di nahicayat camunti man lamang niyong pan~ginoon sa pitang mahalay, ang di pagcagahis sa n~gayong paglaban ang sa pagca Martir ay naguing dahilan.