United States or Belarus ? Vote for the TOP Country of the Week !


Umalís sa simbahan, pagcatapos na masundán n~g isáng titíg na may habág ang dalawáng batang pumapanhic sa m~ga hagdanang patun~go sa coro. Kinuscós ni Tasio ang m~ga matá, tumin~gín ulî sa lan~git at bumulóng: N~gayó'y dáramdamin cong mahulog ang m~ga lintíc. At nacatun~góng pumaroon sa labás n~g báyang nag-iisip-isip.

Taghoy nang princesa ¡oh Vírgen María! patnubayi aco,t, iyong ipag-adyá, sa sentenciang bigay n~g hari cong amá tinatangap co po cahit ualang sala. Sa dalauang matá ang luha,i, nunucal sa habag na dala nang princesang mahal, maraual cong palad na quinahinatnan Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

Nang magtagumpay na ang guerrerong bantóg sa nan~ga-calabang maban~gis na hayop, lúha,i, tumutulong quinalag ang gápus ng ca-aua-auang iniuan ang loob. Halos nabibihay sa habág ang dibdib dugó,i, ng matingnang nunucal sa guitguít, sa pagcalág niyang malicsí,i, nainíp sa siga-sigalót na madláng bilibid.

Sa loob n~g tatlóng daang taó'y silá'y hinahalina natin, hinihin~gan natín silá n~g pagsintá, minímithî nating tawaguin siláng capatíd, ¿anó ang caniláng isinaságot? Tayo'y sinasagot n~g lait at paglibác, at ikinacait sa atin patí n~g ating calagayang pagca tao na gaya rin n~g ibá. ¡Waláng Dios, waláng pag-asa, waláng habág sa capuwa tao; wala n~ga cung di ang catuwiran n~g lacás!

Ang laquí sa layao caraniua,i, hubád sa bait at muni,t, sa hatol ay salát, masacláp na bún~ga ng malíng paglin~gap, habág n~g magulang sa irog na anác. Sa taguríng bunsót, licóng pag mamahál ang isinasama n~g báta,i, nunucál ang iba,i, marahil sa capabayaan nang dapat magturong tamád na magulang.

Ipinagbibili sa hindi halaga ang m~ga damdaming pag-irog sa Iná may asal Galalón ¿ano't hindi ka pa tambin~gan n~g walang habag na parusa? Sa ugaling gayon may pagka poot yaong nanunun~gong mahabaguing Dios sa yaman at puring hamak inu-ubos ang pagsusumakit nila't paglilingkod.

Ministro n~g religión ni Brahma. Ang m~ga sumusampalataya sa religión ni Budha. Barquero ni Aqueronte sa ílog n~g infierno. Si Carón ó Caronte ang tunay na larawan ni Camatayan sa caban~gisang walang habág canino man, sa bata't matanda, sa maganda't pan~git, sa lalaki't babae P. H. P. Ang isá sa m~ga pintuan n~g infierno. Ang m~ga táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay.

Ako ay hindi tagarito. Bakit nasa tabi ka ng simbahan? Hindi ko masabi. Sinong naghubad sa iyo? Pinarusahan ako ng Diyos. At hubad ka na bang ganyan? Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo akong pinakain at pinainom.

Anopa't ang aking ligayang tinangap sa pagdating niyaong sinugong kalatas di lubhang nalaon ay nan~gagsilipas at ang humalili ligalig at sindak. Unang nagunita't sanhíng nakahadlang ay ang pagka habág sa m~ga magulang lapastan~gang anak ang di na tumanaw sa hirap dálita nilang pinuhunan.

Ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. Ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. Kaawaawang binata! Ang binatang yaon ay dili iba't ang matalik na kasama't kaibigan ni Eduardo: si Pako, ang binatang nakatira sa tapat nila Leoning.