United States or Nepal ? Vote for the TOP Country of the Week !


Talagang may suerte ka nga naman kaibigan. Nguni't ako'y walang malay na siya ay naririto. Kung nalaman ko ba lamang agad ang tugon ni Pako naibalita ko agad sa iyo. Sana nga; sayang na sayang. Bakit naman siya naparito sa Maynila? Iyan nga ang di ko maalaman. Pako, hindi mo ba alam kung saan nakatira? Ang matandang may-ari ng kanyang kinatitirahan ay kilala sa tawag na Don Alejandro.

Sila'y naulila sa ama bago naipanganak at ang kanilang ina ay hindi nabuhay ng isang araw man lamang pagkapanganak sa kanila. Nuon nga ay nakatira kami ng aking asawa sa nayong yaon, at sila'y aming kakapit-bahay. Ang ama'y gumagawa sa gubatan, at nabuwalan ng isang punong-kahoy; nasaktan ng di kawasa na anupa't pag-dating sa bahay ay inihandog ang kanyang kaluluwa sa Diyos.

Ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. Ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. Kaawaawang binata! Ang binatang yaon ay dili iba't ang matalik na kasama't kaibigan ni Eduardo: si Pako, ang binatang nakatira sa tapat nila Leoning.

Ako'y bumalik sa amin at itinanong ko sa aking tatay kung saan kayo nakatira. Aywan ko aniya nagsi-alis ng hindi man lamang nakapagpaalam sa atin, sapagka't ang ama daw ni Edeng; ay dinapuan ng sakit, na pinakikialaman ng mga sanitario. Ako'y nalungkot, hindi lamang nalungkot, nagtiis pa ako ng hirap sapagka't hindi ko maalaman kung saan kayo naparoon. Hindi ko maalaman kung saan kita susulatan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap