United States or Mauritania ? Vote for the TOP Country of the Week !


Hindi niya nalalaman na noon pa lamang mga panahong nakaraan ng kanilang pagsasama ay siya ay pinagsusukaban na ni Leonora. Kaawaawang Daniel Perez? Ang kanyang buong akala at pananalig ay matapat sa kanya ang kabiyak ng pusong si Leoning, datapwa't hindi niya nalalaman ay pinagtataksilan pala siya.

At, hanggang sa siya ay mapagisa na lamang sa pangungulila na wala rin siyang naaalaala kundi ang kanilang kahapon ni Leoning. Nararatay ngayon siya sa banig na nagdadalamhati at nangyayayat ang katawan. Kaawaawang binata! Wala nang ligaya ay nawalan pa ng kasuyuan...!

Ang katawan ng kaawaawang si Daniel Perez ay malatang malata nang dumating ng bahay. Ngayon ay hindi naging lihim na lahat sa kanya ang ginawang pagsusukab ni Leonora: maliwanag na nakita niya ng dalawang mata ang kataksilan. Kaya sa kanyang mukha ay walang ibang nalalarawan kundi ang kasamaan ng loob.

Kailangan paghabulin ng isang kaawaawang binata ang kanyang kinamtang kasawian. Diyata ba't kanyang pababayaan na lamang ang gayon? Oh! hindi! Hindi niya maaaring pabayaan. Mayroon tayong pamahalaang matatag at malaya. Na, ang isang tao, ang isang individual ay malaya at di maaring upasalain ng maling pananalig.

Ang titig n~g isang Lucifer ang tumapon sa m~ga mata n~g isang may mukhang banayad. ¡Magnanakaw si ama! ¡Ang taong maninin~gil, n~g puri't kaligayahang nawalá'y mangloloob! ¡Ay anak ko! ang tan~ging nasambit n~g aking kaawaawang magulang n~g ako'y matanaw na umiiyak sa kaniyang piling. Ako'y napayakap sa katawan ni tatay na pigta sa dugo at nawalan n~g diwa.

Nalulungkot siya sapagka't ang kanyang kasintahan ay nasa malayong hindi maabot ng kanyang tanaw. Ang kanyang puso ay nangungulila sa madlang kaaliwan. Ngayon niya nadadama ang sakit ng malayo sa kasintahan. Walang kasing pait! Baka nga naman pagdating ng panahon ay ganap na siyang limutin? Anong malay ng isang Eduardo, na, nasa malayo? Oh! kaawaawang Eduardo kung magkakaganito!

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Saka yaong Ama ay sinabunutan at hinila hanggang malapit sa hagdan ang kaawaawang Ama'y sumisigaw pagka't masasakit ang buong katawan. Doon iniwan lamang yaong Ama at tuloy nanaog at umalis siya pagka palibhasa ay maraming kuwarta nang may isang linggo nama'y umuwi na.

Ang ibang nakamalas sa anyong kaawaawa ng may sugat ay halos dinalaw rin ng habag ang mga damdamin, kinaaawaan ang binatang sawing naghihirap. Ang kaawaawang kulang palad na binata ay halos nalugmok na lamang sa lansangan. Kaawaawang binata! Ang binatang yaon ay dili iba't ang matalik na kasama't kaibigan ni Eduardo: si Pako, ang binatang nakatira sa tapat nila Leoning.

Maaaring si Leoning ay mabihag ng iba. Paano nga naman ang isang Eduardo, kung ang isang Leoning ay lumimot pagkatapos? Kaawaawang binata! Oh! ang puso nga namang nalalayo sa kapuwa puso! Mangarap na lamang at umasa. Manalig sa pagasang ikinakalat ng bubukang liwayway pagsikat ng araw.

Salita Ng Araw

lubos

Ang iba ay Naghahanap