United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kailangan paghabulin ng isang kaawaawang binata ang kanyang kinamtang kasawian. Diyata ba't kanyang pababayaan na lamang ang gayon? Oh! hindi! Hindi niya maaaring pabayaan. Mayroon tayong pamahalaang matatag at malaya. Na, ang isang tao, ang isang individual ay malaya at di maaring upasalain ng maling pananalig.
Kailangan sapagka't ang matuwid ay kailan man ay matuwid na dapat paghabulin ng isang tao ang kanyang sinusubaybayan. At, ang masasama ay may kanyang kalalagayan. Ang masama ay masama. Kaya kailangan ang masama ay mabukod sa mabuti at ang mabuti ay mabukod sa masama. Sa sangdaigdig ay sadyang may ganito, na ang masasama ay sa masama at ang mabuti ay sa mabuti.