United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya hindi maaaring sumagi sa kalooban ng binata ang gawang paglimot. Tunay at wagas ang kanyang pagibig at pagmamahal. Ngayon pang kanyang damdamin ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang pagkainip pagka't mula na nang sila ay magsumpaan ni Leoning, na, di magkukupas ang kanilang matamis na pagsusuyuan, sa pakiwari niya ay siya na ang napakaligaya sa lahat sa sangdaigdig.

Pacatandaan mo ito at iguhit sa caibuturan nang puso at dibdib, at isa sa samong utos niyong lan~git sa lahat nang tauo nitong sangdaigdig. Icao ay bata pa niyong camatayan nang masintang ama,t, inang mapalayao: houag mo rin, bunso, namang calimutan, iyong idalan~gin sila nang mataman.

Si Eduardo naman ay isang paruparung nagkapakpak na uhaw sa katamisan ng nektar at bango ng pag-ibig. Ang gabing yaon ay parang isang langit na mabituin at puno ng mga pangarap at pagasa kay Eduardo. Kung pagkuruin niya ay tila siya na lamang ang pinakamapalad at pinakamaligaya sa sangdaigdig. Laging sariwa ang ngiti.

Kailangan sapagka't ang matuwid ay kailan man ay matuwid na dapat paghabulin ng isang tao ang kanyang sinusubaybayan. At, ang masasama ay may kanyang kalalagayan. Ang masama ay masama. Kaya kailangan ang masama ay mabukod sa mabuti at ang mabuti ay mabukod sa masama. Sa sangdaigdig ay sadyang may ganito, na ang masasama ay sa masama at ang mabuti ay sa mabuti.

Nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. Siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. Oh! ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! Isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot!

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap