United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !


Leoning, waring may hirap ang loob mo sa akin? Siya nga ba? Wala Eduardo ang lalo pang tila paos na tinig na sagot. Bakit? Wala. Wala raw. Wala nga Eduardo. Leoning, nalalaman mo kaya ang kalagayan ng palad ko ngayon, na, dahil sa iyong paglimot sa sumpa ay walang oras, walang mga sandaling hindi sinisiklot ng bagabag at dusa ang aking puso? Eduardo, hindi ako lumilimot. Leoning diyata?

Ang mga ngiti niya, ang kanyang mga titig, ang kanyang mga sulyap na dating iniuukol sa iyo, ay kinain nang lahat ng laho, sinakmal ng ulap at tinangay ng hangin sa alapaap. Ay! Walang palad na binata! Di akalaing si Leoning ay lilimot. Walang malay, walang malay na binatang ngayon ay sinisiklot ng bagabag, at nagpupuyos ang damdamin sa mga dalamhati. Kaawaawang binata!

Nasa kandungan ng dusa, nasa kandungan ng sakit at sinisiklot ng bagabag ang paso. Siya ay nilimot at dahil sa sumpang nilimot ni Leoning ay, waring tapos na sa kanya ang lahat, tapos na ang aliw. Oh! ang mabuhay nga naman sa sangdaigdig na itong puno ng hiwaga! Isang pusong sawi ng dahil sa pagibig ng dahil sa sumpang nilimot!

Leoning, maanong ang isang binatang ngayon ay nasa kandungan ng pagkasawi at sinisiklot ng bagabag ay tapunan mo man kahit isang ngiti? Oo, isang ngiti man lamang. Ngitian mo man lamang sana ang palad ni Eduardo ng minsang lumuwagluwag ang nagsisikip na damdamin sa mga pasakit. Ngitian mo sana ang palad niyang tila ba na sa bingit ng hukay. Nasa bingit ng hukay!

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap