United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang uinica nang negrita ganito'i, tahaquin co na, at nang iyong maquilala yaong si doña María. Ang bundóc mong inilagay sa tapat nang durungauan, doon naman maguiguisnan sa pusod nang caragatan. At guinaua pang castillo nang pag-ibig nga sa iyo, saca ngayo'i, nilimot mo at hindi mo asicaso. Singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan, di iyong tinad-tad naman si doña Maríang hirang.

Hindi ko na dapat pang dito ay ilahad ang lahat . At, dahil sa ating pagiibigan at pinagsumpaanan ay sinisisi ko ang aking sarili; nagkasala ako at ang pagkakasala kong yaon ay inihihingi ko sa iyo ng patawad. Nguni't ang paghingi ko sa iyo ng patawad ay hwag mong hinalaing ako ay kaya humihingi ay dahil sa pagkakasala ko sa iyo dahil sa sumpang nilimot.

Bakit parang kasing bilis ng kidlat na naglaho? Nasaan ang kanyang dating paglingap kay Leoning? Nilimot na kaya niyang lahat? Datidati nga naman agad siyang sinasagot ni Eduardo. Datapuwa't ngayon? Oh! parang ulap ang pagasang siya'y makatanggap ng sulat mula kay Eduardo. Bakit sa apat niyang liham ay wala siyang natatamong kahit isang sagot? Kahabaghabag na Leoning!

At kung ikaw naman ang lumimot dahil naman sa sumpa mong nilimot, bulaklak akong manglalagas sa tangkay. Kaya, Leoning, hwag nating alalahanin ang lahat ng ito. Oo, hwag nating limutin ang sumpaan. Oo, nga at kung limutin mo, dahil sa sumpang nilimot ako ay.... Eduardo ko, ako'y gayon din, bulaklak akong manglalagas nang dahilan sa sumpa mong nilimot kung iyong gawin ito.

Huwag mo nang pakialaman ako. Hindi Eduardo, ang sakit mo, ay sakit ko rin. Leoning, lumayo ka na sa akin. Hindi na maaari ang lahat. Eduardo, hindi, asahan mong mahal ka pa sa akin kahit ako ay may asawa. Mahal? oh! Leoning. Maniwala ka. Dahil sa sumpa mong nilimot? Eduardo, hindi ako lumilimot!

Walang kailangan, hindi niya namamalayan ang pagparito ko sa iyo upang makihati sa iyong mga sakit. Leoning, utang na loob hwag mo na akong dalawin. Lalong baka magdagdagan pa ang hirap kong tinitiis ng dahil sa sumpa mong nilimot. Hindi ko matitiis ang hindi kita dalawin. Leonora, lumayo ka na, baka ka mamalayan ng iyong kabiyak ng puso.

Waring matatapos na ang lahat sapagka't tila ba nakikita na lamang ni Eduardo ngayon ay isang luksang libingan na hantungan ng madlang dusa sa buhay. Dahil sa sumpa mong nilimot ay wala na siyang nakikita pang liwayway ng magandang palad, ng magandang pagasa, wala na, sawi na siya, pusong walang kaaliwan, walang pagasa at nilimot ng kasuyuan.

Pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. Wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni Leoning. Naglaho ng lahat! Madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. Maminsanminsan ay masabi sa sariling: ¡Ay! Leoning! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat.

Ngayon ay nagi na uli siyang masigla at hindi na paris ng dati, nilimot na niya ang dating mga dalamhati dahil sa paglimot ng binibining napakasal sa iba. Ngayon ay nabatid niyang si Leoning ay isang babaing hindi makapagbibigay ng kalwalhatian sa puso.

Si Leoning ay napapaluha na lamang halos sa bawa't sandali. Ang kanyang puso'y lihim na tumatangis. Si Eduardo nga nama'y kay daling lumimot! At, ngayon ay boo na sa kalooban ni Leoning na sadyang siya ay nilimot ni Eduardo. Aling puso nga namang tulad ni Leoning ang hindi tumangis? Aling kaluluwa ang hindi dalawin ng lungkot kung gayong maulila sa kanyang kasuyuan?

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap