United States or Latvia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa matabang linang n~g kanyang pusong nabababad sa tubig n~g paggiliw, n~g paggiliw na dalisay at marubdob, may malusog na binhing napahasik sa lalang n~g kahilihiling pagsusuyuan nila n~g makata; isang binhing palibhasa'y laging nadidilig n~g hamog n~g mayamang pagmamahal, ay patuloy na umuunlad at balang araw ay tatanghaling isa nang ganap na halamang boong pamimisagak na umaan~gat sa lupang kinahasikan....

Ang m~ga labi mo ay dalawang lan~git, Lan~git-na di bughaw, ni lan~git n~g hapis, Labi n~g bulaklak na kapwa ninibig Labing mababan~go, sariwa't malinis. Labi n~g sampagang may pait at awa, Tipunan n~g pulót, tamis at biyaya, Sisidlang ang lama'y kaban~guhang pawa, Pook na tipanan n~g hamog at diwa.

Ang aking tinuran ay tibok at utos n~g katotohanan. Kung ikaw'y Reyna man sa ganda't ugali, naman sa pan~garap, ako'y isang Hari; kaya't kung sabihi'y tala kang mayumi, hamog sa umaga, ban~gong walang pawi, ikaw ay manalig, manalig kang tan~gi at ang nagsasabi'y nabatu-balani.

Nilimot mo ang dating sumpa sa unang inibig sapagka't nasilaw ka sa salapi, datapwa't ang kasariwaan mong uhaw sa hamog ng pagibig, nang hindi makasagap ng katamisan ng buhay ay pamuli kang nagbalik sa dati mong kandungan ng kung ano anong kadahilanan ang iyong sinasabi upang ikaw ay magkaroon ng kaligayahan sa buhay.

Ang halik n~g ina'y apoy sa pagsuyo, Hamog sa bulaklak, Pag-asa sa puso't Liwanag sa m~ga isipang malabo. = Ugali ni Ina =. Kung mamamana ko lamang ang ugali Ni inang sa aki'y nagpala't nag-ari'y Marami sa akin ang mananaghili't Sa aki'y tatan~ga lamang yaong Hari.

Nalurok niyang si Elsa ay may kaluluwa na laging nauuhaw sa hamog n~g kabataan, na ang puso'y lahad na parati sa dilig n~g sarisaring aliw na idinudulot n~g kamunduhan; si Silveira nama'y walang sinayang na pagkakataon, at ang lahat n~g iyo'y kanyang inihahandog n~g ubos kaya ... At kung kayo n~g makatang iya'y may pagkakaiba, ay sa dakong iyan kayo talagang nagkakalayo.

Nguni't kailan ko pa kaya matatamo ang pagasang maituturing kong ligaya ng aking buhay? Katulad ko Leoning ay isang bulaklak na nalalanta at ang tanging makapagpapasariwa, lamang ay ang hamog ng iyong kaawaan. Datapwa't ang binibini ay patuloy sa kanyang pagkapipi; hindi pa rin sumasagot, kaya si Eduardo ay muling nangusap. Leoning, kailan pa?

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

"Mataos ding hin~gi n~g canyang dalan~gin cay Bathalang Poong lubhang mahabaguin, ang canyang libin~ga'y mangyaring diliguin n~g hamog na luhang sa lan~git ay galing." "Ang ibong panggabi'y sadyang iniiwan ang lubhang maluncot na canyang tahanan sa matandang cahoy na lihim na guang at liniligalig tahimic na parang..."

Guhit n~g liwanag, kislap n~g ligaya, talutot na ginto n~g isang sampaga, kalupi n~g buhay, hamog sa umaga, Bathalang ang awa'y hindi magbabawa, kaban n~g kundimang sa nan~gun~gulila'y halik n~g biyaya't sugo n~g ginhawa, timbulan n~g palad sa m~ga parusa, tinig na mayumi n~g mahinhing maya.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap