United States or Turks and Caicos Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


At dahil sa ganitong pagpapalagay ay lalo nang-naputos n~g luksa ang kanyang puso at lalo nang naganyong libin~gan ang tanang namamalas n~g kanyang luhaluhaang m~ga balintataw....

Para bang sinampal siya ng isang malakas sa panga kung magkakagayon! Anong samang pakinggan! Para bang isang matunog na bomba kung kanyang maririnig ang salitang ito. Pinagsukaban siya! Kay samasama nga naman! Nguni't ano pa ang mangyayari? Waring napadikit na sa kanyang balintataw ng mga mata ang larawang anyung ginawa ng sukab na asawa.

Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa.

Sa gayóng pátag at tahimik na pagkakaupô ay walâ siyáng nararamdamán kundî ang sa kanyang balintataw, ay ikínulbit-kulbít ni áling Antók; walâ siyáng nauulinígan kundî ang mahinhíng áwit ni Antok din; walâ siyáng nakikita kundî ang kanya ring kumaring Antok na sásayawsayaw at pupúngaypúngay sa kanyang haráp.

Maging saan man siya naroon ay para sa kanya ay kasama niya si Leoning. Kung bakit? Sapagka't sa mga balintataw ng kanyang mga mata ay waring nakadikit na ang larawan ni Leoning na, hindi napapawi. At, sa gunita pa kaya naman niya mapawi? Oh, makalilibong hindi! Waring kung naaalaala niya si Leoning ay para bang nakikita niyang nagdudulot sa kanya ng ngiti.

Ang tin~gin ni Elsa at titig ni Teang ay nagkasagupang tulad sa dalawang sandatang nagkapingkian sa laot n~g paglalamas; dapwa't laban sa katan~giang likas sa isa't isa, sa pagkakapingking iyo'y si Elsa ang napipilan wari't siyang nagbaba n~g tin~gin, pagkapalibhasa'y may nabasa siya mandin sa m~ga balintataw ni Teang na isang katotohanang kinasilawan niya: ang katotohanan n~g pagkapariwara n~g lahat niyang pagasa.

Ang mukha niyang datidati'y pinaaaliwalas n~g nagtatamisang n~giti na malimit mamilaylay sa kanyang mayuyuming labi, nang hapong yao'y pinapan~gulimlim n~g isang kalumbayang tinutugunan sa puso n~g mapapait na tibukin. Ang m~ga balintataw niyang may kislap n~g tala ay nagmistulang alitaptap na bahagya nang makagitaw ang liwanag sa sun~git n~g kapighatian.

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Pilitin man niyang ipikit ang kanyang mga mata ay waring nakikita rin niyang lagi, sa kanyang mga balintataw ang magandang larawan ni Leoning. Sa kanyang pagkakahimlay, ang maliwanag na sikat ng buwan ay waring nagtatanod sa kanya.