Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 25, 2025


At ang makata ay wala nang nagawa kundi sumuko at pabihag na buongbuo sa diwatang iyong naghahatid sa puso niya n~g di mailarawang m~ga tibukin.

Oh! kay saklapsaklap na kapalaran ng ating binata! Wala na namang pagasa, wala na, ang puso ni Eduardo ay hanggang sa lihim ng tumangis, lihim ng lumuha, manghimutok, lihim na mapa ¡Ay! oo dahil lamang sa iyo Leoning! Dahil sa sumpa mong nilimot! Leoning, bakit nga naman kay daling magbago ng tibukin ng iyong puso? Nahan ang dakila mong sumpa? Bakit nga naman Leoning?

Sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang liham ng sukab at kanyang binasa na ganito ang mga natititik: PEPE: Yamang ang tibukin ng puso natin ay di rin lamang magkaisa ay ngayo'y ninais ko na ang tayo ay magkahiwalay at ako ay asahan mong sa mga sandaling ito ay nasa iba ng kandungan: doon sa makapagdudulot ng kaligayahan ng aking puso. Paalam, CARMEN.

Ang dalawang ito samakatwid ang magpipisan. Ang dalawang ito na nagkakaisa ng tibukin ng puso ang magduduyan sa kaligayahan ng katamisan ng pagibig. Ang dalawang ito na naging mapalad ang pagiibigan ang siyang magkakasundo. Para kay mang Pepe ay isang lasong makamandag si Carmen sa kanya. Kaya't ngayon ay di na maghahabol. Pinabayaan na niya!

Kaya ngayon ay wala na, wala na, at natapos din ang maligayang pamumuhay ni Leoning. Ang may pusong sukab at walang iisang pagibig, ang walang iisang tibukin ng puso ay nagsisisi ngayon sa kanyang pagkaligaw sa matuwid na landas ng buhay. Oh! babai, huwag sana ninyong kalilimutan ang dating katutubong ugaling dakila.

Sa ibabaw n~g damuhan at sa lilim n~g malalabay na punongkahoy na nagbibigay n~g kahalihalinang anyo sa pook na yaon, hindi mamakailang sila'y naguulayaw n~g boong payapa at ang m~ga puso nilang kalong n~g ligaya'y binibigyang panahong magkapalitan n~g wagas na tibukin ... At kung mapagod na sa panonood n~g hayop na walang kasingamo sa loob n~g kulungang bakal gayong pagkailapilap kapag nasa kagubatan, kung man~galay na ang m~ga mata't magsipamitig ang m~ga litid sa pagmamasid sa pagsasalimbayan n~g sarisaring ibong may iba't ibang kulay, sa paghahabulan n~g m~ga dagang-kosta, m~ga koneho, sa paguumakyat-manaog sa m~ga nagsalabat na kahoy n~g m~ga unggong mukhang taong pan~git, sa kiniwalkiwal n~g buwaya, sa pamamalupot n~g sawa, sa paninin~gasing n~g baboy-damo, tamaraw at iba't iba pa; kung sila ay manghinawa na n~ga sa lahat n~g iyan ay saka lamang nila lilisanin ang pook na yaon n~g sa puso'y taglay ang m~ga alaalang labis na makabuo n~g isang gintong kabanata sa kasaysayan n~g kanilang pagsisintahan....

Oo, maliwanag Eduardo, ang lahat: hindi ba maliwanag pa sa sikat ng araw ang iyong paglimot? Leoning, walang sangdaling nawaglit man lamang sa alaala ko, ikaw. At di nakita mo na nga ang iyong kasinungalingan? Hindi ako nagsisinungaling; huwag mong paratangan ang sarili ng ganyan, malinis ang tibukin ng aking puso. Na, hindi ka nagsisinungalin? Leoning, isinusumpa ko! Isinusumpa raw! Tunay.

Walang kailangan sa akin ang ako ay iwanan ng lalaking yaon. Napakasal ako sa kanya ng dahil sa maling pananalig, hindi sa salapi pala nahahanap ang kaligayahan ng puso? Ang nais ko'y ang pagibig.... Ganyang mga pangungusap ang namulas sa labi ni Carmen nang waring nabubuhayan ng lakas ang loob. At, ang asawang Pepe ay sadyang hindi na katugon ng kanyang tibukin ng puso.

Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. Kay papalad! Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway.

Nilimot na niya ngayon ang lahat ng kanilang naging palad ni Leonora. Nilimot niya at ngayon ay aanhin niya ang isang babaeng tulad ni Leoning na siyang sanhi ng pagpapakamatay ng unang nakaisang palad? Aanhin niya ang isang babaing walang iisang tibukin ng puso?

Salita Ng Araw

kumalat

Ang iba ay Naghahanap