United States or Indonesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan n~g lalaki.

Tátapusin namin a~g ulat na itó sa pagsipi n~g ilá~g tulá ni Husé~g Sisiw bila~g aláala sa kanyá~g kabantugan, na~g huag matulad sa bulâ na ginahasa n~g ha~gin; sa ba~~g panandalia~g linipasan n~g halimuyak ó sa kawiliwili~g tinis n~g kanyá~g kudyapî na napápawi sa pakinig, pagkalipas n~g isá~g saglit na pagkaalíw at pagkawili.

Waring dala ang mababangong halimuyak ng mga sariwang bulaklak na nagsisipamukadkad sa mga sariwang halamanan na pinapatakan ng hamog kung nagdadapit-hapon. Pati mga ibon ay waring mga nananahimik na noon, na, nangagdapo sa sanga ng kahoy.

Ang ngiti man lang niya ay sukat ng makapagbigay, lugod sa iyo kung iyo ng kapareha. Oo, nga kung ngingitian ka niya ay walang salang maliligaya ka na ng gayon na lamang. At, si Leoning nga naman ay waring isang bulaklak na namumukod sa lahat ang katangian: tulad ng kampupot na bago lamang na bumubukad na nagsasabog ng halimuyak. Maraming nagsisihanga at nagsisipaghagis ng titig sa kanya.

Ang halimuyak ng mga bulaklak na nasa bakurang mahalaman ay tila naghahatid ng samyo at kabanguhan sa kahilang paguulayaw. Kay papalad! Dalawang pusong nagkakaisa ng tibukin. Si Eduardo ay naliligaya sa piling ni Leoning. Si Leoning ay nalulugod sa harap ni Eduardo. Si Leoning ay isang mabangong bulaklak na humahalimuyak kung nagbubukang liwayway.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap