United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !


At kung tunay na nagsipamuhatan sa guwang n~g iyong dibdib ang m~ga kataga mong ipinasinaya sa akin magmula sa bahay, pati sa kalesa, sa hotel at hanggang sa bangka ... at kung hindi pagsasamantala lamang ang ginawa mong malimit na pagpisil sa m~ga kamay ko ... ay panahon nan~ga n~g ayong marapat kang mapukaw, mahabag at matutong human~go sa akin sa kinasadlakan kong kahihiyaan. ¡Ah, Tirso!

Ang pagpapahalaga sa m~ga balitang tinanggap niya kay Martinez ay untiunti n~guni't patuloy na naguugat sa guwang n~g kanyang puso, at nakatutulong n~g malaki upang ang pan~galan ni Teang ay maging buntuhan n~g kanyang kasuklama't lalong masasaklap na hinala.

Ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan n~g lalaki.

Si Elsa ay mahinay na lumalakad n~g ang kanyang isang palad ay mahigpit na nakakapit sa bisig ni Tirso. N~guni't kung nang gabing iyo'y naging mainuhin ang makata, ay napanibaguhan sana, niya sa mukha n~g mestisa ang isang lihim na sinasarili sa guwang n~g kanyang dibdib. Nang dumating sila sa liwasang Lawton ay natanawan na nilang idinaraos na kasalukuyan ang inauguracion n~g "Quezon Gate".

Ang balitang natanggap kay Martinez ay lumikha n~g isang malaking sugat sa guwang n~g kanyang puso, sugat na walang tan~ging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: o pagusigin niya kahi't saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat n~g salang ginawa sa kanya, o yao'y ilibing niya sa hukay n~g limot na parang hindi niya naging kakilala kailan man.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap