United States or Norway ? Vote for the TOP Country of the Week !


Habang ginanagawa itó n~g katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog n~g isang campana saca humahawac n~g isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta ó dambana na casabay n~g canin, saging, alác, at iba pang pagcain.

Ang kanyang mukha ay mistulang larawan ng lungkot, ang kanyang mga paningin ay binubukalan ng saganang luha, luha ng pananahimik sa kawalang-pagasa. Hindi na nga kaya niya palad si Leoning! Ilang mga sandali na lamang at ang kanyang Leoning ay haharap na sa dambana, na, magiging palad ni Daniel Perez, na siyang umagaw ng kanyang kapalaran.

Ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan n~g lalaki.

Kaya sa ganang sarili ni Eduardo ay pipiliting mabuti ang pagsisikap upang siya ay magtagumpay. Kung siya man ay makatapos ng kanyang pagaaral ay kanyang sisikaping sa harap ng kanyang kapwa manananggol ay hindi siya, pahuli at bagkus kanyang pipiliting siya, ay maging tampok ang ngalan sa kanyang mga kapuwa. Kailangang ang kanyang ngalan ay magkaroon ng sariling dambana.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap