Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 1, 2025
At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás, nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa anito ó diwata na kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi.
Ang katolona ay siyang pinaka paré ó pinaka pastor na tagapan~gasiwa sa anomang pagdiriwan na kinaugaliang gawin.
Ang dating ugali n~g m~ga Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali n~g iba't ibang lahi at lupain. PAGHIHIN~GALÔ: Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hin~galo ay nagdáraos n~g kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona ó katalona ó babaylana.
Habang ginanagawa itó n~g katolona ay itinutugma ang canyang sayaw sa tugtog n~g isang campana saca humahawac n~g isang sibat na isinisibat sa baboy, at pagcamatay ay inilalagay sa pingan at inihahayin sa pinaka alta ó dambana na casabay n~g canin, saging, alác, at iba pang pagcain.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap