United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


At ang katolona, kung dumádalo sa ganitong pagdiriwan, ay nagpuputong sa ulo n~g inikid na bulaclác, nagsusuót n~g canyang m~ga hiyás, nagdadalá n~g canyang m~ga gamit na casangcapang lalagyán n~g alác at canin at sa harap n~g isang baboy na buháy at nang m~ga pagcaing nahahayin ay sumasayaw na dumadalan~gin sa anito ó diwata na kanilang pinapan~ginoon, at pagkatapos ay hinuhulaan kung ang may-sakít ay mamamatay ó hindi.

Ang dating ugali n~g m~ga Tagarito tungkol sa bagay na itó, ay hindi lubhang kaibá kay sa dating ugali n~g iba't ibang lahi at lupain. PAGHIHIN~GALÔ: Kun ang sino man ay may-sakít at naghi-hin~galo ay nagdáraos n~g kanilang kaugalian, na ang gumaganap ay ang katolona ó katalona ó babaylana.

Sa casayaha't pagcacainang ito, ang katolona ang cumacain n~g pinacamabuting lamán n~g baboy at n~g iba pang m~ga hayin . Datapwa't kun ang pagsasayang ito ay abutin n~g pagcalagot n~g hininga n~g may-sakít ay agad itinigil ang pagsasayá at ang nahahalili ay ang panaghuyan n~g m~ga cabahay dahil sa pagcalisan sa canila at ang ibang nakikinabang sa namatay dahil sa mawawaláng sila n~g pagcacakitaán at di umano'y bumabayad pa n~g ibang m~ga tagapanaghoy.

Sa ganito ay maginhawang namamatay, ang may-sakít, sanhi sa paniniwalang siya'y luluwalhati, sa cabilang buhay at gayon din ang m~ga cabahay na sa pananalig na ang may-sakít ay luluwalhati, hindi na nan~gagtataglay n~g samá n~g loob, kundi ang pagbibilin na cung siya'y mapasa caginhawahan sa cabilang buhay ay alalahanin sila at huag limutin, tuloy nagagsasaya, nagcacaina't nag-aawitan.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap