United States or Jersey ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gamiting mabuti ang pagiisip, ang kailan~gan sa paghirang. Huag ninyong ihalal, kahit sino siya kung inaalipin ang kanyang m~ga isipin n~g m~ga naging sanhi n~g ating pagkapahamak sa ating pinakahahan~gad na kasarinlan. Ilagan din ninyo yaong mapagpaimbabaw, na kaya lamang n~gumin~giti kung panahon n~g halalan at kung makaraan na ay di ka man mapansin kahit mo sila pugayan sa daan.
Ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan n~g aking budhi't kadalisayan n~g ... pagmamahal ko sa iyo. ¡Pagmamahal!... Oo, Elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi itinatan~gi sa lahat: iniibig n~g boong puso.... ¡Kay buting pagibig! ¡Iniibig na pinasasakitan!... Ang ginhawa mo'y siya kong pinakahahan~gad....
Ang babae ay isang bulaklak na may halimuyak na pinakahahan~gaan n~g kanyang pagkatao, hiyas n~g lahing may pitak n~g pagmamahal sa guwang n~g kanyang dibdib, dakilang bathalang may dambana sa kanyang lubos na paggalang. Paban~gong mahal na iniin~gatan sa gusi n~g kanyang dilang pagpapahalaga, ang babae ay ikalulunos n~g kanyang budhi kung magtila tubig na mabuhos sa lupa sa kagasuhan n~g lalaki.