United States or Somalia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nais ko ay maunawaan mo ang kalinisan n~g aking budhi't kadalisayan n~g ... pagmamahal ko sa iyo. ¡Pagmamahal!... Oo, Elsa, minamahal kita; at hindi lamang minamahal, kundi itinatan~gi sa lahat: iniibig n~g boong puso.... ¡Kay buting pagibig! ¡Iniibig na pinasasakitan!... Ang ginhawa mo'y siya kong pinakahahan~gad....
Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon pala'y kay Enchay, upang ipagbigay alam sa akin na kayo'y magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral. ¿Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? ¿Pinasasakitan kaya ako? Siya'y namali. Wala tayong salitaan nang kami'y paroon sa lalawigan.