United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !


At, hindi malilihis sa katotohanan kung ang mestisa at ang makata ay ibilang sa ganyang m~ga may hinihintay.

At, babahagya pang nasusun~gaw sa ginto ang mukhang malamlam n~g hipag na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na animo'y batang paslit na nilisan n~g magiiwi. At mababa rin namang sandali ang namagitan, bago nakuhang magsalita n~g ganito: ¡Naku, Dioni! ¡Pati ikaw naman yata!... At ang hipag n~g mestisa ay natuluan pagdaka n~g luha sa malaking pagkalunos.

Sapagka't gayong sa "Club Nacionalista" ay may nahalata na ako ay kung ano't hindi pa nagbago n~g loob sapul noon. ¿At matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan? Mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine "Ideal". ¿Kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa nasabing mestisa? ¿Ako? ¡Oh, di ko na ibig alalahanin, doktor!

¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing kalagayan!... ¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan? Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya....

Sabihin mo na n~ga, Elsa. Mabuti'y panggagaling na natin sa Pandakan. ¡Ayoko! ¡Anhin ko kung ayaw ka! ¡Di mo matatamo ang mahalagang balitang may kinaalaman sa babaeng kinauululan mo! At dagling nakaramdam si Tirso n~g malaking pananabik. ¿May kinaalaman kay Teang? itinanong na agaran. Hindi ako nagbibiro, ang matatag na sambot n~g mestisa. ¿Ay bakit ayaw mo pang sabihin n~gayon?

Datapwa't siya, si Tirso, ay may tanikala sa boong katawan, na ang pagkakagapos ay may mahigpit na buhol na di niya kayang kalagin. At ang tanikalang ito, ang gapos na itong ayaw magtulot sa kanya upang makapakiagapay sa kataasan n~g lipad n~g m~ga pangarap n~g mestisa, ay dili iba't ang sumpang binitiwan niya't nilagdaan n~g kanyang kamay sa harap n~g hukuman sa Sampiro.

Sa Beata po ay malapit na, n~guni't ang Kahilom ay may kalayuan pa. At ang mestisa na naman ang kinausap na pabulong n~g makata. Elsa, anya, ¿nalalaman mo ba kung bakit pinakikibalitaan ko ang m~ga ilog na nilakbay n~g Hari n~g m~ga, Makatang Tagalog? ¿Bakit n~ga?

¿Sino iyon? ang painong tanong n~g manang na di nagkaroon n~g katugunan. ¡Tia Basilia! ang ulit pa n~g nasa lupa. At ang matandang maybahay ay dumun~gaw sa isang bintanang makipot ang pagkakabukas. ¡Ikaw pala! ang nawika pagkakitang kapatid ni Elsa ang dumarating, saka maliksing humudyat sa pamangking babae n~g hudyat na nawatasan naman agad n~g mestisa.

Sinapantaha ni Dioni na kasama n~g magasawa ang makata't ang mestisa; inakala naman n~g m~ga ito na si Dioni ang kasama n~g m~ga yaon; n~guni't sa palagay n~g magasawa'y humiwalay nang kusa ang tatlong magkakaabay. Sa gayong pagkakaligawligaw, ang dalawang nasa kasariwaan ay pinatnugutan n~g mabuting pagkakataon.

Bigla siyang pumihit at lumin~gap sa dakong kinaringgan n~g nasabing buntonghinin~ga. At namasdan niyang malungkot na malungkot na nakapan~galumbaba ang kanyang mestisa. Elsa ... ang unang pumasnaw sa bibig ni Tirso ... ¿Kanina ka pa ba? ang dugtong na tanong. N~gayon lamang ... malumbay na sagot. ¿Ang iyong kasama? Sina manang Magda at tia Basilia.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap