United States or Libya ? Vote for the TOP Country of the Week !


¿Diyata't hanggang sa m~ga sandaling mabin~git sa labi n~g libin~gan ang buhay ni Tirso ay si Teang din ang laman n~g diwa't katalatalamitam n~g kanyang kaluluwa? ¡Gaanong paghihinagpis na naman ang sumambilat sa puso n~g mestisang walang palad sa pagibig sa pagkarinig n~g tulang yaon na ang bawa't pantig ay busog na sumisibat sa kanyang m~ga tayn~ga!...

At si Tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si Elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at pan~galan n~g babaeng una niyang nakilala sa sintahan ... ¡Makailang ang Tukso n~g Kamunduha'y nagtirik n~g kanyang bandila sa ibabaw n~g maran~gal na Budhi!

Kung bagaman ay sa dahilang hangga n~gayo'y nagiisa pa rin si Silveira na natututong bumagay sa maiinit na sulak n~g dugo ni Elsa. Subukin mong gawin ang m~ga "kasanayan" n~g makatang iyan, at makikita mong ako'y hindi nagpapakalabis sa aking m~ga hakahaka. ¡Aywan n~ga ba sa mestisang iyan!... Paris n~gayon: ¿ano ang napanood natin?

At sa tulong n~g kanyang maayos na pakikiagpang sa m~ga kaharap, ay nagawa niyang ibaling sa iba't ibang bagay ang kanilang salitaan, hanggang sa nang lisanin siya n~g m~ga pilyong yaong kung sa kilos lamang hahatula'y mawiwikang hindi makagagawa n~g anoman, ay di na napagukulan n~g kahi't isang kataga, ang sinoman kay Teang at sa mestisang kay Elsa.

Wala na tayong nararapat gawin, G. Martinez, kundi ang pawiin na sa ating alaala ang mestisang iyan, ang wika n~g manggagamot nang maparaan sa lalamunan ang unang tungga n~g nakalalasing na inumin. ¡Ah! Kung sa ganang akin n~ga ay walangwala na ang lahat, iniayon naman n~g pinagpayuhan.

At sa banggaang iyo'y isang lalaki ang nasawi. Walang malaytaong ito'y dinala rin namin, kasama n~g isang mestisang pagdating dito ay nagpahayag na asawa niya. Ipinatala n~g tinurang mestisa na ang pan~galan n~g kanyang asawa ay Tirso Silveira. At n~gayo'y ... ¡hayan at Tirso Silveira rin ang isinisigaw n~g babaeng iyan! ¡Kay laking hiwaga! ang nagpalipatlipat sa isa't isang bibig.

Kaya't ang sinabi sa malamyos na pamimigkas: Elsa, ¿hindi mo ba nahuhulaang sa m~ga taga "Centro Escolar" ay wala akong mapipiling isa mang maganda? Mangyari'y wala na roon si Teang.... Namamali ka; mangyari ay ... wala nang iba pang babaeng may ganda't alindog na gaya n~g mestisang nasa piling ko.... ¡Sinun~galing! Siyang tunay, Elsa.... Maano Tirsong magtahan ka niyang m~ga kaululan mo.

Sapagka't gayong sa "Club Nacionalista" ay may nahalata na ako ay kung ano't hindi pa nagbago n~g loob sapul noon. ¿At matagal na rin bang nahahalina kayo sa mestisang iyan? Mula pa po noong una kong makita iyan at makatabi sa sine "Ideal". ¿Kayo naman, kailan pa naging paris kong umasaasa sa pagkakapalad sa nasabing mestisa? ¿Ako? ¡Oh, di ko na ibig alalahanin, doktor!

¿At kung nagiisa man? isinambot n~g mestisang sinundan n~g isang hakbang na papalapit sa kausap. ¿Nahahalayan ka bang makiharap sa akin n~g sarilihan'? idinugtong pang punongpuno n~g lambing. Hindi naman, Elsa ... tan~ging naitugong lipos n~g pagkakimi n~g makatang pinaghaharian n~g kabaklahan.

¡Mestisa! ... ¡ang mestisang lagi mong inihahatid sa alan~ganing kalagayan!... ¿Inihahatid sa alan~ganing kalagayan? Sukat na, Tirso. May sayawan n~ga pala kayo sa "Club Filipino", ang sabihin mo sa aki'y kung ano't hindi ka na naganyaya....