United States or Tuvalu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nararamdaman niyang ang kanyang puso ay tinitibukan n~g walang kasingdubdob na pagibig sa makatang si Tirso; nahahabilin naman sa isip niya ang paglikha n~g tanang kaparaanang kailan~gan upang masunduan ang ikapagtatagumpay n~g pagibig na iyan.

Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia Basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso.

Kaikailan man sa malimit na pagtitiwala niya n~g kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni Tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan n~g takot sa makatang ito.

Subali, ang kawalang malay na iya'y hindi naman makaganyak sa kahinubong bait n~g nabanggit na makata upang magsamantala. Kalaban si Tirso n~g lahat n~g uri n~g pagsasamantala sa kahinaa't pagtitiwala n~g babae.

At si Tirso, tao palibhasa, sa pakikilaguyo sa mestisang si Elsa, ay nadarang ang puso, nasalab ang kaluluwa at nagalimpuyo ang damdamin, hanggang sa mawalang parang usok sa gunita niya ang larawan at pan~galan n~g babaeng una niyang nakilala sa sintahan ... ¡Makailang ang Tukso n~g Kamunduha'y nagtirik n~g kanyang bandila sa ibabaw n~g maran~gal na Budhi!

Lalong nagdulot n~g malaking alin~gasn~gas na hindi matimpi ang pagkatalos na ang pagkamakata ni Tirso ay naglalayag pala sa dalawang bangka, naliligo sa dalawang batis ... Kahapo'y isang Dorotea Iris daw ang ipinakitunggaling kandidata sa isang pahayagan; n~gayo'y isang kaakitakit na mestisa naman ang may kalapati't bulaklak na iniaalay. ¡Katan~gian n~g makatang labis na nakatawag sa pananaghili n~g m~ga lalaking may malilikot ding isip!

At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling inilantad ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, n~guni't noon di'y waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't ang m~ga ito ay mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing: ¿At ikaw ba ay napuwing?

Sa mahabang lakbayin, ani Tirso, ay hindi nababagay ang pusok n~g loob at pagsusumugod n~g lakad; kinakailan~gan ang tiyaga, ang pagiin~gat at tulong n~g panahon. At ang pagaasawa ay iyang madawag at mahahabang lakbayin na di matatagpusan sa pahan~gos at walang tuos na pagtakbo.

Salamat, Tirso ... Huminahon ka't napawi na ang sigwa.... ¿Lumabas ka bang kusa sa kolehio? ang tanong na naman n~g inang manghangmangha sa nangyari sa anak.

Datapwa't nais ko lamang na magkaroon na n~g wakas ang m~ga pagaalinlan~gan ko.... Sumikdo ang dibdib ni Elsa. ¿Pagaalinlan~gang paano? kanyang itinanong. ¡Sukat na n~ga, Tirso, iyang m~ga kaululan! Limutin mo muna ang iyong pagkamakata.... ¡Kaululan ... pagkamakata!... Ako'y bantad na sa iyo.... ¿Bantad na paano?