United States or Singapore ? Vote for the TOP Country of the Week !
Lumabas ka na't baka maiwan ka n~g m~ga escolarina mo, paaglahing wika ni Elsa. ¡Talagang mabuti kang manunukso, hane! pan~giting salo n~g makata. Ako'y hindi nanunukso, ang tanggi n~g mestisa, ipinagugunita ko lamang sa iyo ang isa mong balak na kapay naurong ay sayang. ¡Anhin ko ba kung maurong man! ¡Huwag lamang bang malayo ako sa piling n~g aking pinakatatan~ging mutya, eh...!
¡Tamád! ang nárinig pa niyáng ulit ni Sawî ¡láyas, láyas sa bahay ko n~gayón dín! Si Tamád, pagkaraán n~g sandalîng pagkakápamanghâ, parang kawal na pinagsaulán n~g ulirat, pagkaraán n~g unang ulán n~g punlông kaáway, ay patawá at paaglahìng tumanóng: Chico, chiquito , ¿bakit ka nagkakáganyán? Tamád: huwág nang sumagót. Iwan ang báhay ko n~gayón din. ¡Báh, kung akó'y walâng sadyâ sa iyó!...
At si Tirso, sa narinig, ay parang dumamdam n~g hiya. Muling inilantad ang mukha sa harap n~g himalang iyon n~g karilagan, n~guni't noon di'y waring nan~gasilaw ang kanyang m~ga mata. Kaya't ang m~ga ito ay mabanayad na kinublihan n~g isang palad, bagay na siya namang ikinatanong ni Elsa n~g isang paaglahing turing: ¿At ikaw ba ay napuwing?