United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala. Baka sila magising?.... Hindi.
Delang! Bakit ka naparito? Ayaw ka bang pumarito ako? Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong clase kayo bukas?
Hanggang dito ang naging salitaan n~g magale, sapagka't si donya Basilia, na sinasasal na yata n~g antok, ay nagtindig noon din at ipinagsamang masok sa isang silid ang pamangkin upang makatulog na. Kinabukasan ay ipinagpaunang sabihin ni Elsa sa kanyang tia Basilia na huwag muna sanang ipamamalay kay manang Magda, kung ito ay magising na, ang kanyang pagkapagasawa kay Tirso.