United States or Western Sahara ? Vote for the TOP Country of the Week !


At parang babala n~g mabuting kapalaran, isang umagang siya'y magawi sa Escolta ay nakatagpo niya ang mestisa na kasama ni Dioni at n~g isa pang babaeng marahil ay kamaganak, kaibigan o kaya'y kanyang kapit-bahay.

Kaginsaginsa nama'y sa sisipot sa harap nina Tirso ang magasawang nagpiging sa Pandakan, at han~gos, pagulat at nagdudumaling ginagap n~g babae ang m~ga kamay ni Elsa't ni Dioni, saka ang m~ga ito'y niyayang sumama sa kanila na humanap n~g mabuting pook upang kahi't paano'y masilip man lamang ang mukha n~g reynang sanhi at dahil n~g maraming bulun~gan.

Elsa, wala kang dapat ipaghinala sa akin, tan~ging naisambot. ¿Hindi ba't pati ikaw ay nagagalit na sa akin? ang malumbay na tanong n~g dalaga. Hindi, at minamahal din kitang kagaya n~g dati. Salamat, Dioni, kung gayon ... N~guni't ¿bakit kaya baga't nakaraan ang singkad na maghapong kibuin dili mo ako sa ganitong pamamahay ko sa di maulatang kapanglawan?...

Ikaw ang napakamapaghinala n~g hindi tama.... ¿Ano? ¿Di ba totoong hindi iyan ang tunay na pinagpaparoonan mo? ¡Hindi! ¿At ibig mong tukoyin ko? ¡Ayoko na n~ga n~g malabis na tuksuhan! ¡Sa ako'y hindi nanunukso lamang, kundi...! Kinalilimutan ko na ang pagtawa, Dioni....

Si Dioni naman, kaya napapamata, sa hipag at walang isinasagot kundi tatawatawa lamang, ang totoo'y hindi pala nakauunawa sa ibig sabihin n~g "himalang" binanggit n~g mestisa. Maalaala ko pala'y matagaltagal nang hindi ko nababalitaan kung saan naroon ang Teang na iyan, ang tan~ging nasabi ni Dioni. ¿Saan n~ga ba naroon? ang di napigilang itinanong din ni Tirso na nadadala yata n~g pananabik.

¡Hintay kayo't may iba naman akong nakikita! ang biglang hadlang ni Dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila, Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X *, n~guni't ang babae'y.... ¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa babae! isinaklaw ni Elsa.

At, babahagya pang nasusun~gaw sa ginto ang mukhang malamlam n~g hipag na ipinatawag, ang mestisa ay kaagad nang humagulhol na animo'y batang paslit na nilisan n~g magiiwi. At mababa rin namang sandali ang namagitan, bago nakuhang magsalita n~g ganito: ¡Naku, Dioni! ¡Pati ikaw naman yata!... At ang hipag n~g mestisa ay natuluan pagdaka n~g luha sa malaking pagkalunos.

At ang m~ga panauhi'y namalas ni Tirsong may m~ga hawak nang sombrero at anyong nagaabot n~g kamay sa mestisa. Hintay muna pala sandali, ang pigil n~g dalaga, paunlakan muna, ninyo ang munting bagay na pinagaabalahan n~g aking mabait na hipag. ¡At may pinagaabalahan pa pala si aling Dioni! Sa wakas ay napahinuhod din ang m~ga panauhin.

"Ako ay ipinagtanggol na mabuti in Dioni, n~g mabait at mapagmahal na hipag ko: datapwa't ang pamamagitan niya't malulubay na paliwanag ay nagparang tubig lamang na nabuhos sa buslong butas. Ang kagalitan n~ga n~g kapatid ko ay di nakarinig sa m~ga katuwiran n~g sinoman sa aming dalawang babae...."

Sa darating namang humihin~gal si Dioni, na ang pakay ay ang mestisa ring hindi niya ikinakatulog sa boong magdamag na nagdaan. ¡Kapatid ko! ang bati kay Elsang pinagaagawan n~g lungkot at tuwa. ¡Dioni! ang sabay yakap na salubong dinatnan.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap