Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 5, 2026
¡Ang lalaki n~ga naman! ¡kailan ma'y lalaki rin! ang parinig ni Elsa. ¡Mangyari pa! Gaya rin naman n~g katotohanang ang babae ay babae rin kailan man, isinaklaw ni Tirso. Datapwa't hindi ang lahat ay may hilig sa ganyan.... Humigit-kumulang ay parisparis na kayo, ang sabad ni Dioni. Mayroon din naman sa aming kalaban n~g ganyang ugali. Halimbawa: ako.... ¿Ikaw? Oo.
¡Hintay kayo't may iba naman akong nakikita! ang biglang hadlang ni Dioni, saka patagong inihudyat ang isang babae't isang lalaki pang may kapunapuna ring palagayan sa isang panig na di lubhang malayo sa kinaroroonan nila, Nakikilala ko ang lalaki: si abogado X *, n~guni't ang babae'y.... ¡Ah, ako ang nakakikilala pati sa babae! isinaklaw ni Elsa.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap