United States or Iceland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ibig mo n~ga, nalalaman ko; n~guni't ¿ano ang bagay n~g pagsusumagi mo n~g pakikitulog dito? ¿Nakagalitan ka ba n~g kapatid mo, o nagkaalit kayo ni Dioni? Maging alinman po sa riyan ay walang tama. Ako ay hindi sa amin nanggaling n~gayon, at.... ¿At ano? ... ¡Ayoko munang umuwi sa aming ilang araw, tia! ¿Bakit at ano n~ga ang sa iyo'y nangyari? Ako po ay.... Ikaw ay ... ¿ano?

Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan mo, ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni Tirso. At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay nagbalobalong sumagot: Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi n~g di ko pagpayag sa kanilang anyaya. Higit diyan ay mayroon pa....

Ang balitang natanggap kay Martinez ay lumikha n~g isang malaking sugat sa guwang n~g kanyang puso, sugat na walang tan~ging ikababahaw kundi ang alinman sa dalawang ito: o pagusigin niya kahi't saan naroon ang babaeng alibugha na naglaro sa kanyang kapurihan upang papanagutin sa bigat n~g salang ginawa sa kanya, o yao'y ilibing niya sa hukay n~g limot na parang hindi niya naging kakilala kailan man.

Cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailan~gang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong man~ga pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga.

Kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw ring lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman ang sa alinman sa m~ga bahay n~g ibang kakilala sa Pasay na rin, sa may di gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging halatain sa kapatid na pinakikitimban~gan ang gagawing paguusap na lihim.

Kung may hilig sa pagsusuri sa taglay na kahulugan n~g bawa't bagay na nangyayari ang makasusubaybay sa lakad n~g katan~gitan~ging buhay ni Elsa, ay sukat nang mapaghalata ang isang katotohanan na bawa't gawi, kilos at pan~gu~gusap n~g matalinong mestisa ay dili ang hindi nasasalig sa alinman sa m~ga sadya niyang layon at lihim na han~garin.

At, nang sumapit ang gabing idarating ni Tirso sa kanyang bahay, si Elsa ay kinahalataan kaagad n~g m~ga alila n~g isang kabalisahang hindi mailin~gid. Sa loob n~g bahay ay lumabas-masok siyang kung minsa'y sasayawsayaw at kung minsan nama'y huhunihuni n~g alinman sa m~ga kundimang kanyang nakakagiliwan.

Datapwa't maging alinman naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'y kung magpapakapusok siyang magusig kay Teang sa m~ga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos n~g kanyang pagaaral, at kung limutin nama'y lalong hindi mangyayari pagka't buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang higpit n~g kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. ¿Paano ang mabuti niyang gawin?

Sapagka't ... ibig ko sanang ipagpalagay n~gayon, kung tayo ay nasa alinman sa m~ga ilog na iyon, na ako ay si Balagtas at ... ikaw naman ang aking Selia. N~guni, Tirso, sa kasaysayan n~g Balagtas na iyan ay ¿nasasabi bang siya ay nagkaroon n~g dalawang Selia? Hindi. Kung gayon, kahi't makata ka, ay hindi mo maipagpapalagay na ikaw ay si Balagtas.