United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapwa't maging alinman naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'y kung magpapakapusok siyang magusig kay Teang sa m~ga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos n~g kanyang pagaaral, at kung limutin nama'y lalong hindi mangyayari pagka't buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang higpit n~g kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. ¿Paano ang mabuti niyang gawin?
Sa boong Maynila nang mga araw na yaon ay nagsalabat ang Santa Cruz de Mayo at sa gawing kaliwa ng bahay na aming tinirhan ay may isang lutrinang hari ng gulo sapagka't panay na mga batang lansangan ang nagsisiilaw, nguni't nang mga huling gabi, sa dakong pagtatapos ay lumalaki at humuhusay sapagka't pinakialaman na ng matatanda at nagpalaluan pa ang mga "Hermano Mayor."