Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hulyo 22, 2025
Datapwa't maging alinman naman sa dalawang ito ay tila malayo sa ikabubunsod, palibhasa'y kung magpapakapusok siyang magusig kay Teang sa m~ga araw ding iyon ay sapilitang mababalatong ang pagtatapos n~g kanyang pagaaral, at kung limutin nama'y lalong hindi mangyayari pagka't buhol na walang kalag ang sinumpaan niyang higpit n~g kanyang pakikiisang kapalaran sa babaeng iyon. ¿Paano ang mabuti niyang gawin?
At ang kaselanan n~g kanyang tayo dahil sa sinumpaang pakikiisang dibdib sa harap n~g hukuman sa Sampiro, ay nagaatas sa kanya upang magpakain~gat sa ikapagkakaroon n~g masasangguning katibayan n~g pakikitalamitam niya sa sinomang babaeng naiiba kay Teang.
Subali't ang salitaan naman nila ay di na isang salitaan lamang na maaari pang talimuwan~gin kung ibig: yao'y isa nang sumpang hindi mababawi, isang pagkakabuhol n~g palad na di na muling makakalag. ¡Diyata't ang kapangyarihan n~g magulang ay makapanghihinaig pa't makawawalang halaga sa sinumpaan ni Teang na pakikiisang palad sa kanya?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap