Cun ang maysaquit ay nagpamula na nang pag-inom nang dita, ay hindi sucat purgahin, at uuli ang lagnat. Sa lagnat na pan~giqui na nagmamacatlong arao, ay hindi bagay ang pagsasangra. Cun gayon, pati pan~giqui, pati lagnat, ay hindi lubhang malaqui.

Cun ang maysaquit ay bata ó babaying mahina, ang isa catauo lamang ay macacapagpaanyo nang butong lungmingsad; hinihila lamang nang caniyang isang camay yaong butong sala, at ipina-aanyo tuloy noong isang camay. Saca tatapalan nang bilin sa párrafo 275. Ang gagauin pag lungmingsad ang camay sa sico, ó sa galang-galan~gan, ó ang man~ga daliri nang camay, ó cun lungmingsad ang paa doon sa tuhod.

Saca sasalain bago hulugan nang calahating tazang suca, ó gata nang dayap ó cahel. Itong gamot na ito,i, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao. Ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan. Pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay.

Gayon din cun mapacarami ang pag-iilaguin, ay tila namamanhid, ó nan~gan~gauit ó naninigas ang man~ga paa,t, camay nang maysaquit, na yao,i, isa pang nacacahirap sa caniya.

Ang man~ga purgang sinabi co n~gayon ay gagauin lamang pagca nabibilin dito sa libro. Man~ga, ilang tagobiling patungcol sa man~ga gamot na ipinagbibilin dito. Tungcol sa pagsasangra, sa pagpupurga at sa pagpapasuca sa man~ga maysaquit, ay babauasan nang caunti ang man~ga nauutos doon sa libro, dahil sa cahinaan nang catauan nang tagalog.

Gayon din ang pag-urong nang panahon sa man~ga babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número 2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bun~ga nang sampaloc, ó nang ibang man~ga bun~gang hinog nang cahoy.

Doon sa dugong nacucuha sa nagcacasaquit nang Pulmonía , mayroong naquiquitang anaqui balat na maputi sa ibabao; cun minsan nama,i, ualang balat na gayón. Cun ang damdam nang maysaquit ay para nang sinabi co sa párrafo 26, ang pagsasangra,i, hindi macacagaling, cundi macasasama sa caniya cun minsan. Caya mapan~ganib ang caniyang lagay; datapoua ang gagauin doo,i, gayon.

Yaong damong yaon ay guinagamit sa pag-gaua nang alac sa bigas, nang tumapang ang levadura . Ang tapal ay papaltang macalaua arao-arao. Ito,i, turo ni P. Santa Maria. Datapoua cun ang maysaquit hindi gungmagaling, ay magpagamot siya sa marunong na médico. Ang gamot sa lungmalagui ang liig, na, ang tauag nang castila sa gayong saquit ay papera.

Pagca nacaraan ang isa, ó dalauang oras, ó tatlo, ó apat caya, ang guinao ay sinusundan nang lagnat na malaqui. Ang boong cataua,i, naiinitan; lungmalacas, at lungmalaqui naman totoo pati at nauuhao pa mandin ang maysaquit; ang ulo niya ay masaquit na totoo pati nang caniyang man~ga catauan.

Datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, ó cun ang saquit ay nadoroon sa muc-ha, ay hilutin arao-arao yaong masaquit nang alac na pinag-tunauan nang caunting ingo , ayon sa turo nang P. Clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. Ang pag-inom nang tubig na linag-yan nang polvos nang ugat nang Malungay , ay mabuti sa saquit na yaon.