United States or Japan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Maminsanminsan han~goin doon ang Iguio at ibilad. Ang isang balaon~gang dahon nang Salago, at ang isa pang balaon~gang dahon nang Acapulco ó Sonting. Itong lahat na damo ay tuyo cun gagamitin. Ang isang botellang Cremor na bibilhin sa Maynila. Ang halagang apat na pisong Maná na bibilhin din sa Maynila.
Ang gagauin lamang doon ay cacayurin nang sundang ang ibabao nang balat. Saca aalisin naman ang dagta, bago ibilad sa arauan nang ilang oras calauon, at bayuhing para nang guinagaua sa quina. Ang timbang isang salaping balat nang dita gagauin ding ualong bahagui, at ang isang bahagui ay isang inom.
Saca sasalain bago hulugan nang calahating tazang suca, ó gata nang dayap ó cahel. Itong gamot na ito,i, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao. Ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan. Pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay.