United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Cun baga caya sinusubaan ang tauo,i, sapagca siya,i, pinurga, ó pinasuca nang totoong tapang na pamurga, ó pasuca, ay paiinumin siya nang lan~gis sa castila, ó big-yan nang azúcar; maigui rin, ang gatas ó ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon-oc nang lason, capítulo 71.

At nang maalaman cun anong ipaiinom doon, ay basahin dito sa libro ang man~ga bilin doon sa sariling capítulo nang saquit na yaon. Catungculan namang maalaman nang nag-aalaga sa maysaquit, na masamang purgahin siya ó pasucahin pagca bagong nagcasaquit: cun minsan ang pasuca sa man~ga saquit na iba,t, iba nacacasira,t, nacacahirap sa sicmura, sa baga at sa atay, at nagdadala nang ibang masama.

Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init.

Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, cun minsan dínaraanan nang pagca ibig sumuca, gaua nang man~ga malalagquit na lura na naniniquit sa lalamunan; caya tandaan ito nang mangagamot, na houag big-yan nang pasuca ang maysaquit at masama sa caniya yaon.

Ang tauong pupurgahin ó pasusucahin, ay hindi sucat cumain muna nang marami sa loob nan~g isang arao, cun quinabucasang talagang bibig-yan siya nang purga ó pasuca; magaling naman ang siya,i, uminom nang ilan tazang tubig na malacuco doon din sa arao na yaon, bago magpurga nang quinabucasan.

Cun mayroong tauong pinurga ó pinasuca, at siya,i, nag-iilaguin, ó sungmusuca nang totoong daming lubha, ó nahihirapan siyang totoo nang pagsuca, ó nang pag-iilaguin, ó cun siya,i, nadedesmayo, ó dinaraanan nang convulsión ó pagquinal nang catauan gaua nang pasuca ó purga, ang magaling ay painumin nang malacucong tubig ó gatas ó azúcar, ó pulot, ó nang tubig, na pinaglagaan nang cebada.

Maigui ring painumin n~g pasuca número 34, ó número 35; cun baga hindi naniniya yao,i, sumpitin nang usoc nang tabaco párrafo 457. Cun minsan cailan~gang sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun hindi siya macahin~ga nang maloualhati. Mabuti namang pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang man~ga paraan at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan.

Ang balat nang cahoy na pinan~gan~ganlang iguio ó aguio timbang saicaualo. Ang balat nang iguio, ay ibinibilad muna sa arauan, bago bayuhing maigui, at paraanin sa sinamay na pino. Itong pasuca,i, bagay sa lalaquing matanda,t, malacas.

Itong pinacabacas nang apoplegía ay nauauala cun malauon, purgahin lamang maminsan minsan ang maysaquit, at houag pacanin nang marami. Anomang gamot na mainit, ay masama roon; ang pasuca i, nacamamatay sa inaapoplegía; caya hindi sucat ibigay sa nagcacasaquit nang gayon; at ibig mang sumuca siya, hindi sucat big-yan nang mainit na tubig man, at macacasama rin sa caniya.

Cun baga caya nagcacasaquit ang tauo,i, dahilan sa siya,i, pinurga ó pinasuca nang purgang matapang ó pasuca ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445. Ang saquit na pasmo na yao,i, catulad nang perlesía. Pinan~gan~ganlang pasmo ó perlesía yaong saquit na yaon, na marahil dumaan sa nagtatahan dito sa Filipinas.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap