United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang calaquihan nang hiua,i, ibinabagay sa calaquihan nang baga, at masama naman ang totoong unting hiua maca magtago sa ilalim ang nana, at mababahao ang sibol, na hindi maiguing pagcabahao, at cun gayon ay isa pang cailan~gang hiuain, cun malauon-lauon. Ang butas nang sibol, ay doroonan nang micha nang hilas, na gayon ang pag-gaua.

Ang gatas nang cabayong babayi iinumin cun mainit pa, na bagong galing sa suso. Ang isang inom ay dalauang taza, na yao,i, gagauing macaipat maghapon, ó macaitlo man lamang. Ang gatas ay doroonan nang ilang sopas na tinapay. Cun ualang gatas nang cabayong babayi na-aari ang sa baca, ó ang sa cambing; datapoua cailan~gang alisin ang pinacataba noon.

Itong sipit ay doroonan nang munting sangcal na tataliang maigui; at pag ang sipit ay pinaabot na sa tinic, ay hihilahin nang camay ang sangcal, nang maipit ang tinic.

Bucod dito,i, lalahiran nang mantica ang loob nang caniyang punong catauan. Doroonan naman sa ibabao n~g tiyan nang man~ga basahang babad sa mainit na tubig, na ito,i, totoong buti rin. Ang man~ga itinuturo co n~gayon na pauang ualang liuag, ay hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at maraming totoong babayi ang nacacapan~ganac na maigui capag sinusunod nila yaon.

Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang man~ga basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init.

Caya cun daanan noong hirap na malaqui, houag big-yan nang man~ga cordial, triaca, castor, ruda, at macacasama bagcus doon. Ang gagauin lamang, ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5, at doroonan nang basahang babad sa malacucong tubig sa tiyan, at sa bay-auang; bucod dito ang guinagauang dati doo,i, itutuloy na para nang dati.

Ang nahulog sa mataas, at ang pinalo nang malacas, capag nasactan ang utac nang ulo niya, ay nahihilim na tambing, at ang magaling sa gayo,i, sangrahan nang maquiilan sa paa. Ang lugar na nasactan, ay doroonan nang isang basahang babad sa aguardiente ó alac na matapang sa niyog.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap