United States or Cameroon ? Vote for the TOP Country of the Week !


At, palad ... ngayon pati ay umabot na sa kaalaman ni Leoning, na, bukod pa sa kanyang nabalitaan sa ilang mga kaibigang walang pinaguusapan kundi ang kalagayan ni Eduardo, ay nabasa rin niya ng boong liwanag sa pahayagang dumarating sa kanila. Diyata at si Eduardo ay may karamdamang malubha? Walang makalunas na manggagamot? ang naibulong ni Leoning sa sarili.

Kinakailangang gamitin ko na n~gayon ang lahat n~g paraang aking magagamit sa ikapagwawagi n~g aking m~ga adhika, ang naibulong ni Elsa sa kanyang sarili samantalang pinagmamasdan niya ang masasayang kilos ni Tirso nang sila ay nagsasalo n~g boong lugod sa isa sa m~ga mesa n~g "Hotel de Francia". At may katuwiran si Elsa upang magsaloob n~g ganyang balak.

Biglang natilihan ang tinurang nurse nang marin~gig ang sabi n~g mestisa. "¿Sino ang tunay na asawa n~g lalaking ito?" ang di sasalang naibulong sa sarili sa laki n~g mangha. ¿Ano n~ga ba ang maipaglilingkod? ang tanong pa ni Elsa, samantalang nakikimatyag sa salitaan ang dalawang matanda. Maikling sandali pa ang namagitan bago nakasagot ang tinukoy.

Walang alinlan~gan akóng nayag sa hilíng n~g aking kaibigan, nan~giti ako n~g lihim n~g ito'y sabihin niyá, at naibulong ko sa sarili na siya'y sadyang matalino sapagka't totoóng maalám na magbagay-bagay: nababatid niyáng sa isáng maiklíng aklát, ay isá namáng maiklíng isip na lamang ang dapat mag-ukol n~g m~ga palagay at paghahaka.

"At bakit itó'y nápaparíto ngayón?..." ang kahi't di sinasadya'y naibulong sa sarilí ng namumutlâng pinunò "Akó kayâ ang talagáng hanap?... Alam kayáng presidente na ako ngayón?... Maánong huwag ng maalaála...!"

At, binubuko pa lamang sa isip ang ganitong balak ay malunodlunod na ang puso sa di masayod na kagalakan. Para na niyang natatanaw, kahi't malayolayo pa, ang mabuting magiging wakas n~g kanyang m~ga gagawin. Inaasahan kong hindi ipagwawalang bahala ni Tirso ang aking sulat, ang naibulong sa sarili sa gitna n~g kanyang pagmumuni.

N~guni't ang pagcaalaala niyá sa canyáng m~ga anác, sa anác niyáng si Crisping hindî pa niya natatalos n~g sandalíng iyón ang kinasapitan, ang siyáng tumangláw sa canyá n~g gabíng iyón n~g canyáng búhay cayá't canyáng naibulong sa pag-sang-ayon sa marawal na palad: ¡Pagcatapos ... pagcatapos ay mananáhan camí sa guitnâ n~g cagubatan!

Sumagot na ang ating candidato ang pasalising naibulong nitong isa sa kaniyang katabi. At pagkaraan n~g m~ga ilan pang sandaling pag-uusap ay nan~gagpaalaman na ang lahat, tan~gi ang ating binatang di man lamang natigatig sa kaniyang pagkakaupo maliban sa isang tugong "mauna na kayo."

At, oh! palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si Fely Ester sa kaibigan niyang Leonora at sinabing: Leonora, ipinakikilala ko sa iyo si G. de la Rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. Halos mahimatay ba wari si Leoning. G. de la Rosa? oh! ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Eduardo pala ang naibulong sa sarili ni Leoning.

Naalaman ko na n~gayon, Elsa, kung bakit hindi mo pinaunlakan ang alinman sa m~ga anyaya n~g iba't ibang kaibigan mo, ang manawanawang naibulong niya sa mestisa nang lapitan sila ni Tirso. At si Elsa na nakalurok kaagad sa ibig sabihin ni Dioni, ay nagbalobalong sumagot: Hindi ko sila ibig na makasama rito, iyan lamang ang sanhi n~g di ko pagpayag sa kanilang anyaya. Higit diyan ay mayroon pa....

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap