United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
At, oh! palad, di pa nga naglilipat saglit ay nangusap na si Fely Ester sa kaibigan niyang Leonora at sinabing: Leonora, ipinakikilala ko sa iyo si G. de la Rosa, ang batangbatang magiging manananggol na mapagwagi. Halos mahimatay ba wari si Leoning. G. de la Rosa? oh! ang ngalang ito ay nakatitik ng ginto sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Eduardo pala ang naibulong sa sarili ni Leoning.
Maging sa samahan man ng mga kabinataang kawal ng bagong panahon sa siudad ng Maynila ay napahiwalay rin siya at kusa ba waring lumubog na ng patuluyan ang ngalang Eduardo de la Rosa, ang batangbatang magiging matarong manananggol. Ang mga kabataang kanyang mga kasama sa pagaaral ay minsanminsang siya ang pinaguusapan: ang sanhi ng kanyang paglubog sa mga lipunan.
Hindi ang puso ni Don Pepe ang makaliligaya sa kanya! Kaya sa ngayon ay walang kaligayahan si Carmen kundi ang mapasa kandungan ng kanyang kaaliwan sa puso: kay Teofilo, sa isang batangbatang kawani sa malaking samahan ng "Smith Bell & Co.," na, ang kawaning ito, na salamat at nakailag na kusa sa pagbaril ni mang Pepe.