Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 18, 2025
Walâ siyang inísip sa boong maghapon cung dî ang m~ga ligayang tatamuhin niya pagdatíng n~g gabí: canyang nabalitaang óowî ang canyang m~ga anac, at canyang inísip na sila'y canyang pacaning magalíng. Bumilí n~g m~ga lawlaw, pinitas sa canyang malíit na halamanan ang lalong magagandang camatis, sa pagca't nalalaman niyang siyang lalong minamasarap ni Crisping pagcain, nanghin~gî sa canyang capit bahay na si filósofo Tasio, na tumitira sa may m~ga limangdaang metro ang layò sa canyang tahanan, n~g tapang baboy-ramó, at isang hit
Nailayô ang canyáng camáy n~g sacristán mayor sa isáng tampál, at sacâ kinaladcád si Crisping nagpasimulâ n~g pag-iyác, at nagpatinghigâ, samantalang sinasabi sa canyáng capatíd: ¡Huwág mo acóng pabayâan, pápatayin acó nilá! N~guni't hindî siyá pinansín n~g sacristan, kinaladcád at nawalâ siyá sa guitnâ n~g cadilimán. Nátira si Basiliong hindî man lamáng macapagsalitâ.
N~guni't ang pagcaalaala niyá sa canyáng m~ga anác, sa anác niyáng si Crisping hindî pa niya natatalos n~g sandalíng iyón ang kinasapitan, ang siyáng tumangláw sa canyá n~g gabíng iyón n~g canyáng búhay cayá't canyáng naibulong sa pag-sang-ayon sa marawal na palad: ¡Pagcatapos ... pagcatapos ay mananáhan camí sa guitnâ n~g cagubatan!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap