United States or Gambia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kanyang binalak ang sa isang paliligo sa dagat, yamang arawaraw ring lamang halos ay lumulusong ang dalaga; at binalak din naman ang sa alinman sa m~ga bahay n~g ibang kakilala sa Pasay na rin, sa may di gaanong kalayuan sa pook na iyon, upang huwag maging halatain sa kapatid na pinakikitimban~gan ang gagawing paguusap na lihim.

At buhat noo'y hinintay na niya arawaraw ang pagdating n~g tagadalang-sulat na magaabot sa kanya n~g pan~gako ni Elsa, o kaya'y ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong n~g gusaling kanyang tinatahanan.... Ang makata ay nabigo na sa paghihintay n~g sulat ni Teang, ¿sa paghihintay n~g postal o sa pagtelepono naman ni Elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?... ¡Karnabal!

Samantalang tumatakbo ang m~ga pangyayari, ang m~ga manggagawang tabakero ay patuloy naman sa kanilang pagpasok sa arawaraw at sa halagang naging sanhi n~g aklasan ay sumailalim. At hindi lamang yaon.

Arawaraw, pagkamulat n~g m~ga mata, ang unang sumisilid sa isip ni Elsa ay ang pagmumunimuni kung paano't saan sila muling magkakaulayaw ni Tirso, at kung anong bagay ang kailan~gan niyang gawi't iukol pa sa makatang iyan upang huwag magkawakas kundi bagkus magibayo pa ang katalikan n~g kanilang pagmamahalan. At si Elsa ay isang matiyagang tagapagalaga n~g halamang iyan.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap