United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Si Tirso Silveira! ¡Ang aking asawa! ... ¡Ay Tirso! ¿Nasaan ka n~gayon? ¡Parito ka't lin~gapin mo ang aking napagsapit!... Marinig ito n~g isang nurse , ay madali n~gang nanaog na nagtungo sa silid n~g makatang nasa ibang bahagi n~g gusaling iyon. Samantala'y patuloy ang m~ga pagtataka, at patuloy ang m~ga pagsusumigaw n~g abang maysakit na di nagsasabi kung siya ay sino.

Nang sila ay manaog sa gusaling yaon, ay kasunod na nila ang kung anoanong bulun~gan n~g m~ga taong mapagbigay n~g kahulugan sa kahi't anong makitang kilusan n~g isang babae't isang lalaki na gaya na n~ga n~g kina Tirso at Elsa. ¡Masama ang lagay n~g dalawang iyon! Malamang na malayo ang abutin n~g kanilang m~ga lakad....

At buhat noo'y hinintay na niya arawaraw ang pagdating n~g tagadalang-sulat na magaabot sa kanya n~g pan~gako ni Elsa, o kaya'y ang pagtawag nito sa teleponong nasa silong n~g gusaling kanyang tinatahanan.... Ang makata ay nabigo na sa paghihintay n~g sulat ni Teang, ¿sa paghihintay n~g postal o sa pagtelepono naman ni Elsa ay mabibigo pa rin kaya siya?... ¡Karnabal!

Mabuti'y makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'y saka ko siya tutugunin n~g nararapat, ang tapos ni Tirso sa kanyang magulong pagninilay. Makailang saglit ay may tumawag kay Tirso, at ipinagbigay alam na sa telepono n~g botikang nasa silong n~g gusaling kanyang tinitirha'y mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. Nagdudumali siyang nanaog.

Subali't nan~gagkatigilan silang parapara nang maulinigan nilang patuloy na lumulubha ang ligalig na nangyayari sa isang bahagi n~g gusaling iyon. Ang dalawang matanda ay siyang unang nakapuna sa gayong paglubha, sapagka't mula sa dun~gawan n~g silid ni Tirso sa "Floor No. 3" ay natin~gatin~gala nilang marami ang taong nagkakagulo sa "Floor No. 6" na nauukol sa m~ga babae.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap